JM de Guzman assures everything is okay with his dad: "Misunderstanding lang ang lahat."

IMAGE Marlon Salazar

JM de Guzman admits fault in heated exchange of words with his dad on social media, "Siyempre, maganda always to initiate, ask forgiveness lalo na ako yung anak, ako yung dapat rumespeto sa kanya."


Umiwas agad si JM de Guzman nang subukang hingan ng reaksiyon sa naging palitan ng mensahe sa pagitan ng amang si Ronniel de Guzman at kaibigang aktres na si Angelica Pangnaiban.

“Ayokong pag-usapan. Iwanan na lang ng ganun.

"Sorry, I refuse to comment. Misunderstanding lang ang lahat,” sabi ni JM sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa backstage ng ASAP kamakailan.

Ilang linggo pa lang ang nakalilipas nang mapansin ng netizens ang tila sagutan nina Angelica at Ronniel sa Instagram.

Wala mang diretsang pinangalanan ang dalawa sa kanilang posts, napagdugtung-dugtong ng netizens na ang pinagmulan ng lahat ay ang naunang pagpo-post ng ama ni JM.

Isa sa mga ito ay ang group photo kung saan makikita sina JM at Angelica, kasama ang iba pa nilang mga kaibigan na nag-iinuman.

Sa post ay ginamit ni Ronniel ang hashtags na #maymali #ikawnaumiwas at #wrongcompany.

Ngunit ang tila hindi nagustuhan ni Angelica ay ang pagpo-post ni Ronniel ng screenshot ng Okja sa internet entertainment service na Netflix.

Ang titulo kasi ng Korean action-adventure movie na ito ay gamit ni Angelica bilang term of endearment sa kanyang ina.

Samantala, kasunod nito, nag-post din si JM ng cryptic messages na tila parinig naman sa kanyang ama.

Ngunit hindi nagtagal ay nag-post si JM ng paghingi ng tawad sa kanyang amang si Ronniel.

Sabi ni JM tungkol dito, “Sa pamilya naman kasi hindi naman perfect.

“Minsan nagkakaroon kayo ng away, yung impulses ninyo, di mo nakokontrol, nagkakasakitan kayo.

“Siyempre, maganda always to initiate, ask forgiveness lalo na ako yung anak, ako yung dapat rumespeto sa kanya."

Dahil sa nangyari, tinanong namin si JM kung may komunikasyon pa sila sa ngayon ni Angelica.

Maiksing sagot ng Araw Gabi actor, "Nag-uusap naman."


Stories We Are Tracking

Are Angelica and JM's dad throwing shade at each other?
Are Angelica and JM's dad throwing shade at each other?
Are JM de Guzman's cryptic IG posts alluding to his father?
Are JM de Guzman's cryptic IG posts alluding to his father?
JM de Guzman apologizes to dad after heated exchange on IG
JM de Guzman apologizes to dad after heated exchange on IG


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN