Marlo Mortel loves American Idol winner Maddie Poppe; likes Morisette Amon

IMAGE Instagram photos of Marlo Mortel (right), Morissette Amon (upper left), Maddie Poppe (lower left)

Marlo Mortel says his heart truly belongs to his mom, the sole focus of his attention as she battles cancer.


Kinikilig pa rin si Mario Mortel sa American Idol winner na si Maddie Poppe.

Bulalas ng Kapamilya actor, ”I love her! I like her so much, cute siya at ang galing-galing niya.   

"Constant kaming nag uusap, lagi kaming nagkakamustahan at nagbabalitaan.

"At kahit ngayong nanalo na siya, nagre-reply at nagme-message pa rin siya sa akin. 

Napaguusapan ba nila ang posibilidad na pagkikita nila one day?

“Ay, hindi ko pa na open up, siguro one time sasabihin ko din sa kanya.

“Pero alam kong imposible pa dahil alam kong magiging busy siya.

“Hoping ako na one day makita siya at mapasalamatan in person. 

"Or siguro pag nagpunta ako ng Amerika. baka magkita kami.

"Yung kanta niya na kinanta ko pinost niya sa Instagram niya ngayon. 

"Sabi niya i-follow niyo si Marlo Mortel, sabi niya ang galing niyang kumanta and follow his music.

“Pinost niya ‘yan sa Instagram niya, nung nakita ko nga yun, kinikig ako.

AI winner yun, natural, ang lakas maka-proud.

"Kinuwento ko nga ka'y Mommy natuwa siya. 

"Isa kasi sa fun day namin ni Mommy ang manood ng American Idol, mahilig din siya dun."

Noong nakaraang buwan, nagbigay ng mensahe ang American Idol winner para sa ina ni Marlo na lumalaban ngayon sa sakit na cancer.

Sa pamamagitan ng IG Story, sinabi ni Maddie, "This message is for Marlo’s mom. And I’m in my pajamas and look like trash. But I just want to say I know you’re going through a rough time right now and so your words mean a lot to me. And I really appreciate them, thank you.”

LIKING MORISETTE. Burado daw sa isip ni Marlo ang love life sa ngayon, “Hindi pa afford ngayon.

"Focus ako sa family, especially sa mommy ko, siya ang love life ko ngayon.

"Siya lang ang babae ko, wala ng iba, siya na lang muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero inamin rin niya, “Si Morisette [Amon] yung nagustuhan ko talaga, na naging special.

"Kaya lang siguro hindi pa talaga time, let her soar, I believe malayo pa ang kanyang mararating.

“Like ko siya, ewan ko kung like niya ako. Hangga't hindi nanggagaling sa kanya, hindi ko alam. 

"Feeling ko makukulayan na rin ang love life ko, malapit na. Pero wag muna ngayon.

"Si Mommy muna ang love life ko."

GAY PROPOSAL. Sa kabuuan raw ng kanyang showbiz career, marami na raw ang tinanggihan ni Marlo na kung anu-anong offer mula sa mga bading.

Kahit na daw may mag-offer pa ng one million pesos para pampagamot ng mommy niya ay hindi niya tatanggapin.

Aniya, "Mas hindi kaya ng konsensiya ko. 

"Lalo na mommy ko yun na parang yung perang gagamitin galing dun, di puwede.

“Ayoko! Di sana noon pa, nagsikap nga ako, e.

“Wala nga akong manager… pagod, talent, yun lang puhunan ko.

“Kahit papano nakakaraos naman,” pagtatapos ni Marlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN