Morissette Amon denies upstaging Jessica Sanchez on ASAP

IMAGE Instagram photo of Morissette Amon

Morissette Amon says she just followed the instructions given to her for her duet with Jessica Sanchez on ASAP a few weeks ago. She explained, "I just did the original, yung original version ni Demi Lovato, hinit niya talaga yung G5. Binigay sa akin yung part na yun, responsibilty ko na i-treasure yung opportunity na yun."


Pinag-usapan sa social media ang diumano'y pananapaw ni Morissette Amon sa American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez.

Nangyari ang diumano'y pang-a-upstage niya sa duet nilang dalawa sa ASAP dalawang Linggo na ang nakalilipas.

Agad namang klinaro ni Morissette na hindi niya sinapawan si Jessica at wala sa bokabularyo niya ang manapaw ng kapwa singers.

“My reaction to it, unang-una, ako, personally, I think I wouldn’t upstage anybody, lalung-lalo na for someone I really respect.

“I love working with Jess. Ang sarap niyang ka-duet, yung bigayan, very powerful, unique talaga ang boses niya.

“I think the reason why they think na nang-upstage ako is because of that last two notes I hit sa song.

“E, ako naman, ginawa ko lang yung sa study, ganun talaga yung sa original, sumunod lang ako.

“I just did the original, yung original version ni Demi Lovato, hinit niya talaga yung G5.

"Binigay sa akin yung part na yun, responsibilty ko na i-treasure yung opportunity na yun,” pahayag ni Morissette nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa set ng ASAP noong nakaraang Linggo, June 3.

Nang tanungin kung napag-usapan nila ni Jessica ang tungkol sa isyu, sagot ng Kapamilya singer, “About that, no. But after the performance, gusto niyang makipag hang out.

“Naghahanap lang ako ng time na makalabas kami.”

Kung saka-sakali, pabor daw si Morissette na pagsamahin sila ni Jessica sa isang concert.

Sa katunayan, excited pa niyang sinabi, “Oh my gosh, tara! I would love to, kasi napakagaling niya talaga.

“Kung mangyayari yun, paano ako kakalma, di ba?

“But if it would happen, it’s going to be a very exciting one at aabangan ng mga tao, kung mangyayari yun.”


Stories We Are Tracking

Morissette deflects alleged upstaging of Jessica Sanchez
Morissette deflects alleged upstaging of Jessica Sanchez
Morissette bashed for allegedly upstaging Jessica Sanchez
Morissette bashed for allegedly upstaging Jessica Sanchez

INTRIGUE WITH SARAH GERONIMO. Samantala, naiintriga rin si Morissette at ang dati niyang coach sa The Voice na si Sarah Geronimo kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakaranas siya at ang kapwa singer na si Angeline Quinto ng kabi-kabilang pamba-bash dahil sa bintang na pinagtawanan nila ang kasamahan nila sa ASAP nang lumabas ang video nito na nag-break down siya sa This 15 Me concert niya sa Las Vegas.

Kinumusta namin si Morissete kung nagkita na rin ba sila ng dating mentor sa The Voice?

“Nagkita? Yes, pero parang daan-daan lang,” sagot niya.

“Hi, hello lang, and then nag-greet din siya for my birthday, so I’m very happy to see Ate [Sarah] again.

“Very ano na naman ang mood niya coming from, of course, yung mga videos dun sa [United] States. Happy siya.”


Stories We Are Tracking

Angeline accused by Sarah fans of mocking their idol
Angeline accused by Sarah fans of mocking their idol
Angeline, Morissette mull filing complaint against bashers
Angeline, Morissette mull filing complaint against bashers
Morissette Amon speaks up on issue involving ex-mentor Sarah
Morissette Amon speaks up on issue involving ex-mentor Sarah

BIRTHDAY CELEBRATION. Ipinagdiwang ni Morissette ang 22nd birthday niya noong nakaraang June 2.

Ayon sa singer, isang simpleng selebrasyon ang ginawa niya kasama ang kaniyang pamilya.

“Very good and happy, 22 na. Very simple lang, I’m with my family.

“I had dinner lang with them. Catch up-catch up kasi for the past days lagi kaming busy lahat, so we decided to sit down, talk lang. 

"I was very happy.”

Nang tanungin kung ano ang kanyang naging birthday wish, tugon niya, “Siyempre mas marami pang suprises na dumating sa aming lahat. Sa team ko, sa friends ko, mga blessings, yun.”

Speaking of blessing, bukod sa regular na napapanood sa ASAP, sunod-sunod din ang nakalinyang trabaho ni Morissette, kung saan puwede siyang mapanood ng mga tagahanga.

“Yung Made ko na concert sa Araneta ay dadalhin na namin sa Cebu, July 14 sa Waterfront Hotel.

“After nun ay nasa Australia kami ni Darren [Espanto] sa July 27 and 28,” pahuling pagbabahagi ni Morissette.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN