Mocha Uson refuses to apologize to Kris Aquino: "Ms. Aquino, this is not about you."

IMAGE Courtesy: Mocha Uson Blog / @krisaquino on Instagram

Nanindigan si Mocha Uson na hindi tungkol kay Kris Aquino ang kanyang post kaya hindi raw siya hihingi ng paumanhin para dito. 


Isang 22-seconder video ang in-upload ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson ngayong hapon ng Miyerkules, June 6, sa kanyang Mocha Uson Blog Facebook account.

Dito ay nagmatigas si Mocha at sinabing hindi tungkol kay Kris Aquino ang Facebook video na kanyang in-upload at inalmahan ng TV host-actress.

Sa nasabing video, kinumpara ang kontrobersiyal na halik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korea sa halik naman ng dalawang babae sa ama ni Kris na si dating Senator Benigno "Ninoy” Aquino Jr., ilang minuto bago ito na-assassinate sa Manila International Airport noong August 21, 1983. 

Sa kanyang video ngayong araw, “Ito po ang aking response sa live video ni Ms. Kris Aquino. This is not about Kris Aquino. Tungkol ito sa paglagay ng malisya sa isang halik.

“Itinumbas lang sa gawain ng ibang lider tulad ng tatay niya. Ms. Aquino, this is not about you.”

Matatandaang nag-post si Kris ng isang mahabang litanya laban kay Mocha kahapon, June 5, sa kanyang Instagram, kung saan sinabi niyang labis itong nasaktan sa ginawa ni Mocha na pagdawit sa pangalan ni Ninoy.


Stories We Are Tracking

Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan
Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan

Sinundan pa niya ito ng Instagram Live kagabi kung saan hinamon niya si Mocha sa isang debate o harapang away.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson
Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson

Ngyong araw, nag-post ulit si Kris sa kanyang Instagram kung saan sinabi niyang nakausap na niya si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go at ito na raw ang humingi ng dispensa sa nangyari.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino says Bong Go apologized for Mocha Uson incident
Kris Aquino says Bong Go apologized for Mocha Uson incident

Sa live presscon naman ni SAP Bong ngayong hapon, sinabi niyang nakapag-usap na raw sila ni Mocha at nakatakda itong humingi ng paumanhin kay Kris pagdating nito mula sa South Korea.

Ngunit makalipas ang ilang oras, sinabi ni Mocha hindi siya hihingi ng dispensa kay Kris.

Heto ang post niya sa Facebook: “With all due respect to everyone involved, I decline to apologize for the truth.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN