Kris Aquino: "Mocha, you win. You win because you hurt me."

IMAGE Facebook

Kris Aquino to Mocha Uson: "Yung sinabi ko na hindi kita uurungan, nagdasal ako. At na-realize ko, bakit pa?"


"Mocha, you win."

Bahagi ito ng pahayag ni Kris Aquino sa live video niya kanina lang sa social media na tumagal ng higit sa 17 minutes.

Sagot niya ito sa pinaka-latest na video message ni Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson na hindi raw ito magso-sorry kay Kris.

Ang sagutan ng dalawa ay nag-ugat sa paghahambing ni Mocha ng kontrobersiyal na paghalik ni President Rodrigo Duterte sa isang female OFW sa paghalik ng dalawang babae sa ama ni Kris na si dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr., ilang minuto bago ito paslangin noong August 21, 1983.

Una nang nag-live si Kris sa social media nitong Martes, June 5, at hinamon si Mocha dahil sa ginawang pagdawit ng pangalan ni Ninoy sa kanyang Facebook post.

Hindi raw ito ang unang beses na "binalahura" ni Mocha ang "buong pagkatao ng pamilya" ni Kris.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson
Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson
Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan
Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan

Inasahang magso-sorry si Mocha via social media, lalo pa't sinabi ito ni Bong Go, special assistant to the President, sa isang press conference ngayong Miyerkules, June 6.

Subalit taliwas ang nangyari: Hindi nag-apologize si Mocha.

Ang pahayag niya: “Ito po ang aking response sa live video ni Ms. Kris Aquino. This is not about Kris Aquino. Tungkol ito sa paglagay ng malisya sa isang halik.

“Itinumbas lang sa gawain ng ibang lider tulad ng tatay niya. Ms. Aquino, this is not about you."


Stories We Are Tracking

Mocha to Kris:
Mocha to Kris: "I decline to apologize for the truth"
Kris Aquino says Bong Go apologized for Mocha Uson incident
Kris Aquino says Bong Go apologized for Mocha Uson incident

KRIS’S MESSAGE TO MOCHA. Bago sumapit ang ika-6:00 ng gabi ngayong Miyerkules, June 6, sumagot si Kris at sinabing nagtagumpay si Mocha sa intensiyon nitong saktan ang kanyang kalooban.

“Mocha, you win. You win because you hurt me. And I think that’s what you wanted to do,” ang bahagi ng pahayag ng 47-year-old host.

“Nanalo ka dahil patuloy mong inapak-apakan, ang pagkatao, ang alaala ng dalawang tao na pinakamamahal ko,” na ang tinutukoy ay ang amang si Ninoy at inang si dating Pangulong Cory Aquino na pareho nang pumanaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung sinabi ko na hindi kita uurungan, nagdasal ako at na-realize ko, bakit pa?

“Kahit anong gawin na kabutihan na ipakita ko sa inyo, kahit anong pagsubok ko na maayos natin ito, ayaw niyong ayusin, e.”

“IT WILL ALWAYS BE ABOUT ME.” Sa simula pa lang ng video, kinontra na ni Kris ang pahayag ni Mocha na ang isyu ay tungkol sa pagbibigay malisya sa halik.

Ani Kris, “You have to accept this fact: Laman at dugo niya ako. At karapatan ko na magsalita para sa kanya...

“Sinong humalik? Gano’n kasimple,” birada ni Kris.

Hindi gaanong nag-elaborate si Kris dahil hindi raw niya kagalit si Pangulong Duterte, at hindi ito kailanman nakisawsaw sa mga kontrobersiya ng Pangulo.

Pero para sagutin ang punto ni Mocha, aniya, “Ang sasabihin ko lang, uulitin ko ang words mo, ‘gawain ng isang lider,’ sino ang humalik?

“End of issue...yon,” ani Kris.

Inamin ng host na ang pinakamasakit para sa kanya ay ang paggamit ni Mocha ng footage kung saan ipinakitang hinalikan si Ninoy ng dalawang babae bago bumaba ng eroplano, ilang minuto bago siya i-assassinate.

“Walang kadepe-depensa ang tatay kong pinatay.

“You say it’s not about me.

“It will always be about me, dahil anak ako,” ani Kris.

Pagdidiin ni Kris, kapag ang isyu ay tungkol sa kanyang mga namayapang magulang, nangangahulugan na “it will always be about me.”

Sabi pa niya, “I think lahat mag-a-agree sa akin dahil lahat tayo, kahit anuman ang kulay natin, mahal natin ang mga magulang natin.”  

MESSAGE TO BONG GO. Sa isang punto ng live video ni Kris ay in-address din niya ang naging conversation nila ni Bong Go.

Ikinuwento ni Kris at lumabas din sa balita na humingi ng paumanhin si Bong dahil sa nangyaring insidente.

Sinabi rin ni Bong na alam ni Pangulong Duterte ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inilabas ni Kris ang statement ni Bong sa press kaninang umaga, kung saan binanggit nitong sumang-ayon na si Mocha na magso-sorry kay Kris.

“Yung last line na iyon mahalagang mahalaga sa akin, yung sinabi po ni Sir Bong Go, ‘sang-ayon siya sa amin ni Pangulong Duterte na mag-sorry,’” pahayag ni Kris.

“Klarong-klaro naman po, di ba, yung video na napanood natin walang kasorry-sorry."

Pahayag ni Kris, nagawang mag-sorry sa kanya ni Bong na kanang kamay ng Pangulo at boss ni Mocha.

“Pero si Miss Uson, galit pa...

“Okay…” ani Kris. 

Sana raw ay totoo ang pahayag ni Bong Go sa presscon.

“Sir Bong, sana hindi pang-presscon lang. Sana totoo, yung sinabi mo yung, ‘Intindihin natin si Kris,’” pahayag ng actress-host.

May matalinhaga ring sinabi si Kris tungkol sa pagtakbo ni Bong Go sa posisyon.

“Sinabi ko, ‘You are a good man and I respect you and I would even campaign for you.’

“Pero hindi mo tinuloy yung sinabi ko, ‘Pero bakit mo iiwan ang Presidente, baka ang nag-uudyok sa yong tumakbo mga ahas lang na gustong kunin ang posisyon mo.’”  

“I’VE DONE MY SHARE.” Apektado raw siya sa nangyayaring ito dahil patuloy siyang hinuhusgahan ng mga followers ni Mocha at mga maka-Duterte.

“Pagod na ako. Nakakapagod po. Nakakapagod na kailangan na lang every time lahat na lang ng pambabatos ng followers, tatanggapin mo, lulunukin mo.

“Tatanungin mo sarili mo, ‘Nagnakaw ba ko sa inyo? ‘May masama bang nagawa sina Ninoy at Cory kay Pangulong Duterte?’”

Nilinaw ni Kris na hindi siya dapat iugnay sa Liberal Party—na binansagang Yellowtards ng mga Duterte supporters.

“Hind kami iyon, e. Hindi kami ang partido na nanggagalaiti kayo. Hindi kami ang Yellowtards na sinasabi niyo.

“Nagsasalita ako bilang anak, bilang anak na pinalaki para mahalin ang Pilipinas.

“I am speaking as a daughter.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Kris, siya raw ang gumawa ng unang hakbang para makipag-ayos, pero siya pa ang napasama.

“And I tried my best. I think I’ve done my share. I tried to reach out. I humbled myself.

“Alam mo yung feeling na ikaw na yung binato, pero ikaw pa ang nag-aabot ng kamay dahil gusto mong maayos ito.”

Sa huling bahagi, binalikan niya ang sinabi ni Mocha na, "This is not about Kris Aquino."

Aniya, “Mocha, I’ll end this… you’re right, this was not about Kris Aquino, this was a reminder that Filipinos still love and respect Cory and Ninoy Aquino.” 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN