Will Kris Aquino change her mind about entering politics?

IMAGE Instagram (@krisaquino)

Kris Aquino: "Nag-iisip ho talaga ako ngayon, sincere ito, paano ko ba magagamit ang boses na iyan? Dahil nakikinig kayo sa kin."


Nagpakawala ng makahulugang pahayag si Kris Aquino sa ginawa niyang live video sa Facebook at Instagram bago sumapit ang gabi ngayong Miyerkules, June 6.

Ang live video ay sagot niya sa hindi pagso-sorry ni Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson.


Stories We Are Tracking

Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan
Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan
Mocha to Kris:
Mocha to Kris: "I decline to apologize for the truth"

Naging consistent si Kris sa kanyang mga previous interviews na wala siyang balak pasukin ang pulitika.

Pero sa isang bahagi ng video, nagpahaging si Kris na pinag-iisipan niya kung paano magagamit ang kanyang boses at impluwensiya sa social media.

“Yung sinabi ko kagabi na may boses ako, na binigyan niyo ako ng boses, totoo naman iyon, e.

“Nag-iisip ho talaga ako ngayon, sincere ito, paano ko ba magagamit ang boses na iyan? Dahil nakikinig kayo sa kin.

“Ang Facebook [video] alone, I was told that had live, has had more than five million views.

“So maybe my voice matters.”

Ang tinutukoy ni Kris ay ang ginawa niyang live video noong Martes, June 5, kung saan hinamon niya si Mocha dahil nasaktan ito sa ginawang paghambing ng dating dancer sa paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte at paghalik ng dalawang babae kay dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino—ang ama ni Kris—ilang minuto bago siya i-assassinate noong August 21, 1983.

Inamin ni Kris na may clause sa kanyang mga kontrata na binabawalan siyang pasukin ang pulitika.

“I have contracts, contracts that prevent me from running, contracts that I just signed.

“But maybe you need a voice.

“I’ll pray.

“I will pray about what is best for me to do.”

Pagbawi ni Kris, “Pero baka mas maganda na hindi nga ako humingi ng posisyon, hindi ako maging elected official para patuloy niyo akong pakinggan.

“Kasi pag naging parte na ako ng Senado, sasabihin niyo, naging kagaya lang ako nila.”

Pagpapatuloy ni Kris, “E, ngayon, pantay-pantay tayong lahat.

“Siguro iyon, e.

“Do'n ko tatapusin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pantay-pantay tayong lahat.

“Lahat tayo naranasan na nating maapakan.

“Lahat tayo naranasan nating bastusin ang dignidad natin.”

Sa sagutan nila ni Mocha, pareho silang nakakatanggap ng batikos.

Dagdag ni Kris, “Pero hindi ako pinalaki para sumuko. Kahit gaano kapagod.

“Pero hindi rin ako pinalaki para mambastos.”

May hiningi ring request si Kris kay Special Assistant to the President Bong Go.

Gayunman, hindi nito dinetalye kung tungkol saan ang kanyang hiling.

“Nanawagan na lang ako do'n sa isang taong nakinig sa 'kin, Sir Bong Go, alam kong aabot ito sa iyo, hinihingi ko sa iyo, yung sinabi ko na ikaw lang ang may kapangyarihan na puwedeng mangyari yon.

“Sana gawin mo, dahil umaasa ako sa iyo.

“Sana po pansinin niyo sa buong salitang ito, ni minsan wala pong batikos kayong narinig.

“Hindi iyan ang pagpapalaking ginawa sa akin.”

Sa gitna ng isyu sa pagitan nina Kris at Mocha, nakipag-ugnayan si Kris kay Bong, na humingi ng paumanhin sa host-actress.

Ani Kris, walong taon na niyang kakilala si Bong.

Sa huli ay pinasalamatan ni Kris ang mga tagasuporta niya at ng kanyang pamilya.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino says Bong Go apologized for Mocha Uson incident
Kris Aquino says Bong Go apologized for Mocha Uson incident

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN