Julie Anne San Jose on relationship with Benjamin Alves: "What you see is what you get."

IMAGE Noel Orsal

Julie Anne San Jose on her relationship with Benjamin Alves: "Basta what you see is what you get. Kung ano po yung alam ninyo, yun na yun."


Tila ipinauubaya na nina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves sa publiko kung ano ang tingin nila tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon ngayon.

Ilang ulit niyang sinabi na, “What you see is what you get,” sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling reporters matapos ang press conference ng 3 Stars, 1 Heart concert nila sa Dubai nitong Martes, June 5.

Sabi pa niya, “Basta what you see is what you get. Kung ano po yung alam ninyo, yun na yun.”

Binanggit namin na kapansin-pansing mas open na sila ngayon ni Benjamin sa pagpapahayag ng kanilang nararamdaman para sa isa't isa sa kani-kanilang social media accounts.

Paliwanag ni Julie Anne, “Wala po yon. Ganun lang po talaga kami mag-usap, napag-trip-an lang namin.

“Minsan talaga malakas ang trip namin, so minsan talaga sinasabihan ko siya ng ganun.”

Diin pa niya, walang problema rito dahil, “We got really nothing to hide, so what you see is what you get.”

PETTY ISSUE. Dahil napag-uusapan ang social media, hindi naiwasang matanong si Julie Anne sa diumano'y pagla-like ng kanyang rumored boyfriend sa mga post ng mga babae.

Natawa lang ang dalagang singer tungkol dito dahil sa palagay niya hindi ito dapat maging isyu sa kanilang dalawa.

“Ako din naman, e. I mean, it doesn't really matter. It's such a petty thing. It's really petty.

“Though, you know, sometimes we really don't want to think of those things na parang... di ba?

“I mean, I randomly like pictures also, so bakit kailangan gawan ng issue, e, wala naman talagang issue,” natatawang pahayag ni Julie Anne.

Dagdag pa niya, “It's really petty talaga if you base your relationship sa social media.

“Kailangan ba yun ang maging basehan?

“I mean, public domain yon, e. It's up to me kung ano yung gusto kong i-post o ano yung gusto kong i-like.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KEEPING A PRIVATE LIFE. Aminado si Julie Anne na minsan mahirap nang ihiwalay ang pribadong buhay ng mga artista sa pampublikong imahe nila, lalo pa sa panahon ngayong halos lahat ay tutok sa social media.

“Mahirap din kasi kapag celebrity ka, there's a thin line between maintaining a public image and having a private life.

“When you're a celebrity, people tend to get into your private life,” ani Julie Anne.

Kaya pagdating sa mga negatibong komento, aniya, “Dedma na lang po talaga.

“At the end of the day po talaga kasi it's always you na magde-decide kung maaapektuhan ka ba o if you choose to get affected doon sa mga sinasabi ng mga tao o kung kailangan maapektuhan ang mga decisions dun sa kanila.

“Actually, I never answer talaga sa mga tweets o ano para iwas ano na lang po.

“At saka just ignore them na lang.”

Mabuti na lang din daw at minsan ay may taong nagma-manage ng kanyang social media accounts.

“Minsan, may hindi sila magandang nakikita, sila yung nagba-block for me, nagre-report for me.

“Parang wala kasing point kung magbabasa ka kung ikaw lang din ang maaapektuhan.

“Especially kapag pagod, siyempre, hindi maiiwasan na pagod ka, vulnerable ka, parang ang dami nang nangyayari.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN