Myrtle Sarrosa avoids comparison with her friend Nadine Lustre

IMAGE Rose Garcia

Myrtle Sarrosa on being compared to her good friend Nadine Lustre: "Kami ni Nadine, magkaiba kaming tao. Her decision is her decision. So kung anuman yung values ko, iba rin naman sa values niya. Basta masaya kami sa kanya-kanyang buhay."


Bukod sa showbiz, may iba't ibang pinagkakaabalahan din daw si Myrtle Sarrosa ngayon.

Isa na rito ang pagbubuo ng bagong mobile application.

“I’m working on other things like developing apps together with Google Launch pad.

“So, I’m working on other things aside from showbiz,” sabi ng 23-year-old actress/endorser/cosplayer nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng ginagawa niyang pelikulang Wander Bra sa Maragondon, Cavite, kamakailan.

Dagdag pa ni Myrtle, “Well, I think, sa lahat ng bagay kailangan mo, lalo na sa showbiz, you always have to think ahead.

“There’s a lot of people na pumapasok every day. So, you always have to stand-out, kailangan meron kang fallback.

“Well, palagi nating naririnig ang word na fallback, pero dapat meron ka pang isang back-up plan.”

Sigurista na raw ang karamihang artista ngayon. Parang takot na silang walang kapuntahan o kahinatnan ang mga pinagpapaguran at pinaghihirapan nila.

Ganito rin ba ang nararamdaman ni Myrtle?

“Yes, may ganung fear,” pag-amin niya.

“Minsan, you go up to the highs of the high, tapos bigla na lang you suddenly lose projects. Minsan, marami na naman.

“So, when it rains, it pours. But you should always be ready rin with the drought.”

UPDATE ON FRIENDSHIP WITH NADINE. Dahil napag-usapan ang iba pa niyang pinagkakaabalahan, natanong ng PEP.ph ang dating business collaboration nila ng kaibigan niyang si Nadine Lustre.

Ito ay isang online shop kung saan magbebenta ng pre-loved items.

“Ngayon, hindi pa ko nakakapag-online dun,” pag-amin ni Myrtle.

Sa kabila nito, siniguro naman ni Myrtle na nanatili ang pagiging malapit na magkaibigan nila ni Nadine.

“Oo, nagkita lang kami last time nung Aling Puring na event.

“Yung feeling niyo na parang ang dami niyong dapat pag-usapan. Kaso lang, nasa event kayo.

“Nag-usap kami kaso lang, pupunta raw siya sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron kasi siyang parang three weeks tour dun.

“Sabi niya hindi ko raw siya mate-text.

“Kami naman basta masaya kami. I’m happy for her and masaya rin siya para sa akin.”

Kapag nakikita niya si Nadine ngayon, masasabi niya bang parehong Nadine pa rin ang nakikita niya sa kung ano ang pagkakakilala niya rito dati?

Sagot ni Myrtle, “Kami kasi, magkakakilala kami bata pa kami, 14 [years old] pa kami. Iba pa ang mga ugali namin before.

“Pero siya kasi ang type of person na she would just be herself.

“Para sa akin, she’s still the same kind of person that she is.

“Para sa akin, yung ibang tao kasi nami-misunderstand nila.

“Pero she’s just being who she is ngayon.”

May kaunting positibong kaibahan lang daw ngayon si Nadine dahil, “Mas hindi na siya takot na ilabas kung sino siya in public eye.

“Kasi, kapag artista, parang meron kang public self, tapos private self.

“Pero siya, parang hindi siya takot na ipakita kung sino siyang talaga.”

A post shared by Myrtle Sarrosa (@myrtlegail) on

SEXY IMAGE. May ilang netizens na tinitingnan si Nadine bilang liberated. Maaaring pinagbabasehan nila ang mga sexy pictorials, selfie, o way of life nito ngayon.

Ganun din ba ang dating nito sa kanya?

“Before kasi, hindi naman siya ganun,” sabi ni Myrtle.

“Pero, ganun na ang mundo ngayon. If you’ll look at teenager ngayon, yung era ngayon, mas ganun na, so it’s different.

“Yung time ngayon, it’s different.”

Pagkatapos nito ay binigyang-diin ni Myrtle ang pagbibigay ng respeto sa kung ano ang pinipiling gawin ngayon ng kanyang kaibigan.

Aniya, “It’s her life. It’s her choices, but I’m happy that she’s happy.

“Kasi, when you decide on something, pinag-iisipan mo naman yun.

“And I can see naman na she’s happy with her decision na gusto nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang isang cosplayer at endorser ng isang alcoholic drink, nagkaroon na rin ng sexy image si Myrtle. Ibig bang sabihin nito ay liberated na rin siya?

Sagot ni Myrtle, “Hindi ko kasi alam ang definition niyo ng liberated.

“Kami ni Nadine, magkaiba kaming tao. Her decision is her decision.

“So kung anuman yung values ko, iba rin naman sa values niya.

“Basta masaya kami sa kanya-kanyang buhay.”

A post shared by Myrtle Sarrosa (@myrtlegail) on

NO TO LIVE-IN SETUP. Samantala, nagsalita naman nang patapos si Myrtle na kung magkakaroon siya ng relasyon, hindi raw siya pabor sa live-in arrangement.

Aniya, “Hindi ako open sa live-in.

“Mas ano ako, e, pinalaki ako sa isang pamilya na close ka talaga sa family mo.

“Kailangan approved ng parents mo yung lalaking dine-date mo.

“Sa akin, hindi papayag yung parents ko. Sa akin yun.”

Kahit na nasa tamang edad na, importante pa rin daw kay Myrtle na may “say” ang mga magulang niya.

“Kahit naman sa trabaho ko, e, kahit anong projects na ginagawa ko, lagi kong kinukuwento sa parents ko,” sabi ni Myrtle sa huli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN