Angelica Panganiban's advice to love teams: "Ang importante hindi dapat kayo manloko ng tao."

IMAGE Noel Orsal

Angelica Panganiban's response to a netizen who asker her if she is ready to fall in love again: "Hindi ko pa kaya." 


Nagpakawala muli ng hugot line si Angelica Panganiban sa social media nang matanong siya tungkol sa paborito niyang love team sa showbiz.

Nitong June 3, nagtanong ang dramatic actress sa Twitter kung paano ba malalaman kapag nagkaka-crush na ang isang tao.

Sa pakikipag-usap niya sa netizens, may isang nagtanong kung sino ang bet niyang love team.

Naging safe si Angelica sa kanyang sagot nang sabihin niyang lahat ng love team ay gusto niya.

Pero malaman ang hugot niya sa sumunod niyang tweet: "Basta dapat totoo, ah.

“Ang importante kasi, hindi dapat kayo manloko ng tao.

“Kung kayo, kayo. Kung hindi, wag sila mag imbento.

“Ang hirap kaya umasa."

May nagbiro rin kay Angelica kung bakit hangang crush lang siya at hindi magmahal.

Sagot niya na may halong biro, “Hindi ko pa kaya please!!! Hayaan niyo ko mag ka crush!!”

Nitong mga nakalipas na buwan, naging matunog sa entertainment news si Angelica dahil sa paglabas ng mga makahulugang pahayag na patukoy sa pinagdaanang breakup. 

Ang huling nakarelasyon ni Angelica ay si John Lloyd Cruz, na ngayon ay karelasyon ang aktres na si Ellen Adarna na ipinagbubuntis ang kanilang anak. 


Stories We Are Tracking

Angelica on her hugot lines:
Angelica on her hugot lines: "Freedom ko yun."
Angelica Panganiban on ex-BF:
Angelica Panganiban on ex-BF: "Wala akong closure."
Angelica to ex-BF's new GF:
Angelica to ex-BF's new GF: "Inagaw mo lang 'yan sa akin!"
Angelica alludes to resentment towards new GF of her ex-BF
Angelica alludes to resentment towards new GF of her ex-BF


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN