Mocha Uson takes a swipe at Kris Aquino anew: "I am not an attention seeker."

IMAGE Noel Orsal / Cyrus Panganiban

Pinanindigan ni Mocha Uson, assistant secretary sa Presidential Communications Operations Office (PCOO), na hindi siya papalaot sa pulitika. Kaya naman hiniling niya sa mainstream media na ibaling na lamang kay Kris Aquino ang kanilang panahon dahil tila may balak itong tumakbo sa susunod na eleksiyon. 


Nakiusap sa mainstream media si Mocha Uson, Presidential Communications Operations Office (PCOO) assistant secretary, na huwag na siyang pagkaabalahan ng panahon ng mga ito.

Wala raw kasi siyang balak tumakbo sa susunod na eleksiyon.

Wala siyang anumang pangalan na binanggit sa kanyang Facebook post ngayon hapon, June 7, pero tila parinig niya ito sa nakaalitang si Kris Aquino.

Sinabi rin nito na hindi siya “attention seeker.”

Narito ang kabuuang post ng dating dancer-performer:

“DEAR MEDIA,

“Huwag niyo na akong pag-[a]ksayahan ng oras niyo. HINDI AKO TATAKBO. Wala akong ambisyon sa pulitika.

“Yung isa na lang ang pansinin niyo. I am not an attention seeker.

“Nandito lamang po ako bilang trabahante ng gobyerno.

“Maraming salamat po.”

Sa Facebook at Instagram live ni Kris kagabi, June 6, sinabi nitong pinag-iisipan niyang gamitin ang "boses" para magsilbi sa bayan.

Umabot daw kasi sa halos five million views ang nanood sa kanyang Facebook live noong nakaraang Martes, June 5.

Sa nasabing FB live, hinamon niya si Mocha sa isang face-off.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson
Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson

Nag-ugat ang patutsadahan ng dalawa sa social media nung nag-post si Mocha ng video kung saan pinagkumpara niya ang paghalik ni Presidente Rodrigo Duterte sa isang overseas Filipino worker sa South Korea at ang paghalik ng dalawang babae sa dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa loob ng eroplano ilang minuto bago ito paslangin noong August 21, 1983.

Hindi ito nagustuhan ni Kris.

Dahil sa pangyayari, umusok ang social media, at may mga netizens pa ring nag-aabang kung ano ang susunod na mangyayari sa pagitan nina Kris at Mocha.


Stories We Are Tracking

Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan
Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan
Mocha to Kris:
Mocha to Kris: "I decline to apologize for the truth"
Kris Aquino:
Kris Aquino: "Mocha, you win. You win because you hurt me."
Will Kris Aquino change her mind about entering politics?
Will Kris Aquino change her mind about entering politics?


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN