JM de Guzman on life after rehab: "Isang mali ko na lang, tapos na yung laro."

IMAGE Cyrus Panganiban

JM de Guzman on maintaining a positive mindset: "Meron pa rin naman akong mga issues, e. May tendencies pa rin ako ng sickness ko before sa utak. Isa yun sa nakaka-cure sa akin—counting my blessings."


Nanindigan si JM de Guzman, 29, na hindi niya hahayaang maligaw muli ang kanyang landas matapos niyang magbagong-buhay.

Hindi raw niya sasayangin ang tiwalang ibinigay sa kanya, lalo na’t maganda ang takbo ng kanyang showbiz career ngayon.

Nakangiting pahayag ni JM, “Siguraduhin ko na. Kasi, naka-checkmate na ako, e. Nakabantay na sa king ko…

“Isang mali ko na lang, tapos na yung laro.”

Taong 2017 natapos ni JM ang pagsailalim sa rehabilitation program dahil sa paggamit niya ng bawal na gamot noon.

Hindi raw akalain ni JM na mabibigyan pa siya nang malalaking proyekto sa showbiz.

Aniya, “Ang kapal na ng mukha ko na ilagay pa lahat ng ‘to sa ulo ko.

“Sa lahat ng ginawa ko before, hindi na dapat ako nabibigyan ng ganitong chance or blessings or opportunities.

“So I make it a point na I count it every single second of my life na, ‘Thank you, Lord!’”

Handa raw niyang labanan kahit ano pang problema ang pagdaanan niya.

Patunay nito ay madalas magbahagi si JM ng positive quotes sa kanyang Instagram account.

Pag-amin ni JM, “Meron pa rin naman akong mga issues, e. May tendencies pa rin ako ng sickness ko before sa utak."

“Isa yun sa nakaka-cure sa akin—counting my blessings.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JM matapos ang PEP Live session kasama si Barbie Imperial kamakailan.

Bukod sa ABS-CBN afternoon series na Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi, na pinagbibidahan nila ni Barbie, magiging abala rin si JM sa paggawa ng pelikula.

Ano pa ang kanyang goals ngayong 2018?

Sagot ni JM, “Basta makagawa ako ng isang movie, isang teleserye, okey na muna yun.

“Ayoko rin naman maging greedy.

“Strike while the iron is hot, sabi nga nila. Pero gusto ko a day at a time, one project at a time.”


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN