Kris Aquino retracts face-off challenge with Mocha and her "fake" Gucci leather jacket

IMAGE Cyrus Panganiban for PEP.ph & YES! Magazine

Kris Aquino on losing interest in a face-off with Mocha Uson: "She can say anything and everything. I'm not even gonna bring up the fact na I read, 'Sige na, magtuos na kayo at magkita na kayo para suot mo yung Gucci leather jacket mo, habang yung kanya fake.' Deadma na. Move on."


Ayaw nang makipagtuos ni Kris Aquino kay Mocha Uson dahil napagtanto raw niyang hindi sila magka-level.

“I don’t wanna give her anymore of my fame. Sorry, ha? Mayabang ako,” pag-amin ni Kris.

Dugtong pa niya, “Friends na kami ni PRRD. Okey na. So with her, I don’t care.”

Ang mahalaga raw kay Kris ay mismong si President Rodrigo R. Duterte (PRRD) na ang humingi ng dispensa para sa nangyaring word war sa pagitan ng TV host-actress at ng blogger-dancer.

Base ito sa panayam kay Kris ni Cristy Fermin sa programang Cristy Ferminute sa Radyo Singko 92.3 ngayong Miyerkules, June 7.

Patuloy ni Kris, “This is said with no disrespect whatsover because I’m just stating a fact.

“You taught me this. Sinabi mo, ‘Anak kung makikipaglaban ka, ang lalabanan mo dapat mas malaki sa ‘yo.

“Hindi ka lalaban sa mas maliit sa ‘yo… Kasi in the end ikaw ang masama, ikaw ang talo.

“Kung makikipaglaban ka lang, sa higante na.”

Ibinahagi rin ni Kris ang palitan nila ng text messages ng kanang kamay ni President Duterte na si Christopher Lawrence “Bong” Go nito lang ding Miyerkules.

Ipinarating kasi ni Kris ang opinyon niya na dinisrespeto ni Mocha sina President Duterte at Bong nang suwayin nito ang suhestiyon ng dalawa na mag-sorry ang blogger-dancer sa TV host-actress.

Ito ay dahil nagtatrabaho si Mocha bilang Presidential Communications Operations Office (PCOO) assistant secretary.

Sagot daw ni Bong kay Kris, “Ma’am, hindi namin kontrolado si Mocha. Nag-sorry na kami ni PRRD. Mas important po yun Ma’am. Salamat po.”

Kaya nagpasya raw si Kris na huwag na lang makipagtuos ng harapan kay Mocha.

"She can say anything and everything. I'm not even gonna bring up the fact na I read, 'Sige na, magtuos na kayo at magkita na kayo para suot mo yung Gucci leather jacket mo, habang yung kanya fake.' 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Deadma na. Move on."

GOING AGAINST SIBLINGS’ PLEA. Samantala, ikinuwento rin ni Kris na “napagalitan” siya ng kanyang mga kapatid sa pagpatol niya kay Mocha sa social media.

“Sabi ng ate ko, ‘My gosh please stop!”

Pero hindi raw nakapagpigil si Kris dahil sa pambabalahura ni Mocha sa mga yumaong magulang nilang sina President Corazon Aquino at Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr.

“I know in this life, when this is your last name, you have to be ready for all the blows.

“But there are blows that are below-the-belt. Alam mong sinisikmuraan ka na. And kung hindi ka papalag, uulit-ulitin nila."

Kinontra rin ni Kris ang pahayag ni Mocha na, "Kris, this is not about you."

Buwelta ni Kris, “If I made this about me, yes I made this about me because I’m the one alive.

“Ako ang puwede magsalita and ako ang balahura. Kasi proper ang mga kapatid ko.”

COMPARING THE KISS. Gayunman, kapansin-pansing naging maingat si Kris na hindi magbigay ng opinyon sa kontrobersiyal na paghalik ni President Duterte sa isang may-asawang babae na Overseas Filipino Worker (OFW) sa isang official engagement ng pangulo sa South Korea.

Ayon kay Kris, ang ikinagalit niya ay ang konteksto ng pagkumpara ni Mocha sa inasta ni President Duterte at sa kusang paghalik ng dalawang babae kay Senator Aquino ilang minuto bago ito bumaba ng lulang eroplano at paslangin sa Manila International Airport.

Aniya, “Hindi talaga ako nakisawsaw sa lahat ng bumatikos sa presidente because of that kiss because that’s none of my business.

“I think if there is anybody who has a right to complain about that kiss, that is Ms. Honeylet.”

Ang tinutukoy ni Kris ay ang longtime partner ni President Duterte na si Honeylet Avanceña.

Patuloy ni Kris, “Babae ako, she has stood with him, she has stood by him, she loves him, and she takes care of him, and they have a daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Everybody else, personal nila yun. Siya ang may karapatang magalit. Tayong lahat, it happened and that’s life, we move on from that.

“But it was the choice of the video.”

RELIVING THE PAIN. Pag-ulit pa ni Kris, hindi siya makakapayag na ganun na lang lapastanganin ni Mocha ang alaala ng kanyang mga magulang.

“Yung sinasabi nila na, ‘Tigilan yang kaartehan mo, ilang beses mo na yan napanood.’

“Try niyo. Try niyo tingnan na duguan ang tatay niyo. Try niyo na nasa tarmac.

“Try niyo na yung sundalong bumuhat sa kanya, binuhat siya na para lang siyang baboy.

“Subukan niyo and tell me that to my face.

“Doon ako nagalit. At siguro may karapatan akong magalit dahil dun.”  


Stories We Are Tracking

Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan
Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan
Mocha to Kris:
Mocha to Kris: "I decline to apologize for the truth"
Kris Aquino:
Kris Aquino: "Mocha, you win. You win because you hurt me."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN