Kris Aquino thanks her inaanak Dingdong Dantes for the support

IMAGE Instagram (@dongdantes)

Kris Aquino expresses her appreciation to Dingdong Dantes for showing her support amidst her issue with Mocha Uson. Dingdong posted on his Instagram account a photo of him, his wife Marian Rivera, and Kris Aquino, which was taken in 2014. 


Nagpasalamat si Kris Aquino kay Dingdong Dantes dahil sa pagpapakita ng suporta ng aktor sa aktres sa gitna ng isyung kinasangkutan kamakailan.

Kontrobersiyal ngayon si Kris dahil sa iringan nila ni Mocha Uson, assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office.

Nagpalitan ng maaanghang na salita ang dalawa na idinaan nila sa social media. 

Nagsimula ito nang idawit ni Mocha ang yumaong ama ni Kris, si dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino. Jr., sa recent controversy ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino:
Kris Aquino: "Mocha, you win. You win because you hurt me."
Mocha to Kris:
Mocha to Kris: "I decline to apologize for the truth"
Kris Aquino says Bong Go apologized for Mocha Uson incident
Kris Aquino says Bong Go apologized for Mocha Uson incident
Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson
Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson

Sa gitna nito, nagpakita ng suporta si Dingdong kay Kris.

Ninang sa kasal nina Dingdong at Marian Rivera si Kris.

Ipinost ni Dingdong ang picture nilang mag-asawa kasama si Kris.

Simpleng caption ng Kapuso actor: “We love you Ninang.”

Sumagot naman dito si Kris.

Sabi ng 47-anyos na actress-host, mula nang makilala niya si Dingdong ay hinangaan na niya ito dahil sa pagmamahal sa pamilya at sa bansa.

“From the 1st time we met, all the way today I have had 1 opinion- you are someone who is admirable for his love for family & love for our country,” simula ng comment ni Kris.

Pinuri rin niya si Dingdong bilang aktor.

Nagkatrabaho ang dalawa sa 2011 horror movie na Segunda Mano.

Papuri niya sa Kapuso actor, “the most consistent actor where it truly matters-the movie box office.”

Binati rin ni Kris si Dingdong sa tagumpay ng kanyang ongoing movie na Sid & Aya, kasama si Anne Curtis.


Sa hiwalay na interview, sinabi ni Dingdong na nauunawaan niya ang pinagdadaanan ni Kris. 

Aniya, ang ipinakita niyang suporta ay pagpanig din kung ano ang tama. 

"Hindi madali yung pinagdadaanan niya at nandito kami para magpakita ng pagmamahal sa kanya," ani Dingdong. 

 Read: Dingdong Dantes, nagpahayag ng suporta kay Kris Aquino


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN