Myrtle Sarrosa no regrets in prioritizing studies over showbiz

IMAGE @myrtlegail on Instagram

Myrtle Sarrosa on having zero love life: "Ang malas ko yata sa love life. E, kasi nga, yung mga dati kong dine-date, nawawala."


Para kay Myrtle Sarrosa, tama ang naging desisyon niya na inuna muna ang makapagtapos ng kolehiyo.

Matatandaan na naging madalang ang paglabas niya noon sa showbiz dahil nag-focus siya sa kanyang pag-aaral sa University of the Philippines, kung saan nagtapos siya bilang cum laude sa kursong Broadcast Communication noong nakaraang taon.

Ngayon, halos sabay-sabay ang mga proyektong ginagawa niya, kabilang na ang indie movie na Wander Bra ng Blue Rocks Productions.

“Yung nag-open talaga ng door ko for this year ay yung Ginebra. Parang nagsunod-sunod na ang projects since then.”

Hindi niya itinanggi na good decision para sa kanya ang maging cover girl ng isang brand ng alcoholic drink.

“Yes, good decision for me,” pag-amin ng aktres.

“Although, minsan feeling ko napi-pressure ako kasi yung mga past calendar girls nila, sina Marian Rivera, Anne Curtis, sobrang nag-boom yung career.

“So ako, parang napi-pressure ako na mami-meet ko ba ang standard nila for me this year.”

Agad naman nilinaw ni Myrtle na siya lang daw talaga ang nagbibigay ng pressure sa sarili.

“Ako lang yun, minsan naiisip ko lang siguro,” lahad niya.

“Keri naman… I’m happy na mas dumami pa ang projects this year.”

“Bukod sa Wander Bra and two more movies pa, then Araw Gabi na serye, may isa pang parating kaya nae-excite ako.”

Bukod sa acting, tuloy-tuloy pa rin daw siya sa kanyang music career.

Siya ang nagsulat ng isang kanta ni Maja Salvador, ang “Haplos.”

Pero sa ngayon, hindi pa raw siya nakakapagsulat. Wala pa raw siyang inspirasyon.

ZERO LOVE LIFE. Natawa ito nang biruin namin kung kailangan ba na may break-up episode para makapagsulat ulit siya.

Agad na nilinaw ni Myrtle, hindi rin naman daw natuloy sa romantic relationship ang huling nakukuwento niyang non-showbiz guy.

Ang huli pang nakarelasyon ni Myrtle ay si Brian Llamanzares, anak ni Senator Grace Poe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na rin nag-prosper,” pakli niya.

Sabay biro ni Myrtle, “Ang malas ko yata sa love life.

“E, kasi nga, yung mga dati kong dine-date, nawawala.”

Pero agad niyang sinabi, “Hindi naman sa akin ang problema.

“I guess, it’s always timing, the right person na comfortable ka.”

Si Myrtle na rin ang nagsabi na hindi pa siguro panahon na magkaroon siya ng boyfriend.

Masaya naman daw siya dahil okay ang career niya.

“I guess, it’s not just the right time to have a love life,” nakangiting sabi niya.

“Ngayon, grateful na ko. Parang na-realized ko rin na hindi kami para sa isa’t-isa.

“Dati, kapag ini-interview niyo ako tungkol sa kanya [Brian], parang meron kang bitterness.
 
“Ngayon, when you look back sa mga relationship niyo in the past, parang grateful ka na hindi kayo nagkatuluyan.”

Para sa susunod niyang magiging boyfriend, hindi raw mataas ang standard na sine-set ni Myrtle.

“Ang hinahanap ko ngayon is someone who can help me grow as a person, yung mag-i-improve ka, marami kang matutunan.”

MYRTLE REVEALS CO-STAR'S LOVE LIFE. Tila naibuko rin ni Myrtle ang co-star niya sa indie film na Wander Bra na si Kakai Bautista.

Natawa ito nang may magsabing pareho raw pala sila ni Kakai ngayon na loveless.

“Loveless ba siya?

“Kasi kung loveless siya, hindi namin kasama sa dressing room yung—wala,” natatawang sabi niya.

Nag-cameo rin kasi sa Wander Bra ang nali-link noon pa kay Kakai na si Ahron Villena.

“At least, nako-convince niyang mag-cameo, ‘di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN