Ellen Adarna grieves the passing of dad Alan Adarna by posting videos with heart emojis

IMAGE Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram

Ngayong araw ng Biyernes, June 8, ang libing ng namayapang ama ni Ellen Adarna na si Alan Modesto Adarna sa Cebu City. 


Ngayong araw ng Biyernes, June 8, nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan ang namayapang ama ni Ellen Adarna na si Alan Modesto Adarna sa Queen City Memorial Gardens, sa Cebu City.

Pumanaw ang ama ng aktres sa edad na 58 dahil sa cardiac arrest noong nakaraang Huwebes, May 31.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna's father passes away
Ellen Adarna's father passes away

Ngunit hindi nag-post sa social media ng anumang pahiwatig ng pagdadalamhati si Ellen, ang partner na si John Lloyd Cruz, at ang kanyang mga kapatid at iba pang kamag-anak.

Ninais daw kasi ng kanilang pamilya na maging pribado ang kanilang pagluluksa.

Noong nakaraang June 5, may nag-post naman sa Instagram ng larawang kuha sa lamay kung saan namataan sina Ellen at John Lloyd.


Stories We Are Tracking

Ellen attends wake of her dad in Cebu with John Lloyd
Ellen attends wake of her dad in Cebu with John Lloyd

Ngayong araw, apat na magkasunod na videos ang ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram Stories kung saan tila may ginaganap na huling selebrasyon para sa mga alaala ni Alan.


Tanging heart emoticons lamang ang nakalagay sa mga videos.



Si Ellen ay panganay at nag-iisang anak na babae sa limang magkakapatid.


Stories We Are Tracking

Snippets of Ellen Adarna's life as a daddy's girl
Snippets of Ellen Adarna's life as a daddy's girl


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN