Joel Cruz files PHP20-M libel suit against Brunei-based businesswoman Kathelyn Dupaya

IMAGE Courtesy: Anne Venancio on Facebook

Dalawang reklamo na ang isinampa ni Joel Cruz laban kay Kathelyn Dupaya: ang reklamong estafa, na inihain niya sa Quezon City Regional Trial Court; at ang libel complaint, na isinampa niya ngayong araw ng Biyernes, June 8, sa Manila Prosecutor's Office. 


Muling nagsampa ng reklamo sa korte ang tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz laban sa Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya.

Ito ay kaugnay ng akusasyon ni Kathelyn na expired na ang mga perfumes na na-deliver sa kanya ni Joel at ng kumpanya nitong Aficianado.

Mariing pinabulaanan ni Joel ang paratang sa kanya ni Kathelyn.

Ngayong hapon ng Biyernes, June 8, nagsampa ng PHP20-million libel suit si Joel sa Manila City Prosecutor’s Office (MCP) kasama ang kanyang abugadong si Atty. Ferdinand Topacio laban sa negosyante. 

Nauna nang nag-file ng reklamong estafa sa Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) si Joel laban kay Kathelyn dahil hindi pa rin nito nabayaran ang utang sa perfume brand owner na PHP40M.


Stories We Are Tracking

Joel Cruz files estafa case against Kathelyn Dupaya
Joel Cruz files estafa case against Kathelyn Dupaya

Hindi lamang si Joel ang diumano'y nautangan ng malaking halaga ni Kathelyn. Kabilang din sa mga ito ang mga aktres na sina Sunshine Cruz, Ynez Veneracion, at Ara Mina.


Stories We Are Tracking

Sunshine Cruz breaks silence on claims of Kathelyn Dupaya
Sunshine Cruz breaks silence on claims of Kathelyn Dupaya
Ara Mina speaks up on investment in Kathy Dupaya's business
Ara Mina speaks up on investment in Kathy Dupaya's business
Ynez Veneracion lambasts businesswoman over money issue
Ynez Veneracion lambasts businesswoman over money issue

Sa ngayon, wala pang pahayag ang kampo ni Dupaya sa panibagong reklamong kinakaharap niya.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Kathelyn tungkol sa isyung ito.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN