Dingdong Dantes surprised about reported upcoming project with Vice Ganda

IMAGE Gorgy Rula

Dingdong Dantes is grateful to those who have watched and liked Sid & Aya, which he describes as "hindi pangkaraniwan."


Patuloy na pinapanood ang Viva Films movie na Sid & Aya (Not A Love Story) at nung Huwebes, June 7 ay dumating si Dingdong Dantes sa ibinigay na block screening ng kanyang management, ang PPL Entertainment, Inc. ni Perry Lansigan sa Vertis North Cinema sa Ayala Malls, Quezon City.

Nung gabi ring yun ginanap ang victory party ng pelikula. 

Masaya si Dingdong sa tagumpay ng unang pagsasama nila ni Anne Curtis.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng manonood dahil sa kanilang overwhelming support sa pelikulang Sid & Aya,” saad ng Kapuso Primetime King.

Ayon pa kay Dingdong, “Noong ginagawa kasi namin ito, talagang may takot sa amin bilang mga actors at filmmaker involved.  Hindi siya yung pangkaraniwang storytelling, may risk siya.

“Pero ganun naman talaga, kapag may malaking risk. Kapag nagustuhan, maganda rin ang kinalalabasan. Kumbaga, tumaya lahat sa ganitong klase—this kind of storytelling ni Irene.”

Si Direk Irene Villamor na siyang writer at direktor ng kanilang pelikula ang tinutukoy ni Dingdong.

“And we are grateful na nagustuhan siya,” patuloy pa ni Dong.

HITTING THE PHP100 M MARK. Halos karamihan ng mga pelikulang ginawa ni Dingdong ay lumalagpas sa PHP100 million na kita sa box-office.  Katulad nga nitong Sid & Aya, na ayon sa Viva Films ay naka-PHP100 million na sa loob ng siyam na araw. 

Maging ang ninang nila sa kasal ni Marian Rivera na si Kris Aquino, sa pinost nitong reply sa Instagram ay  nabanggit ang pagiging most consistent actor ni Dong pagdating sa box-office.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino thanks Dingdong Dantes for the support
Kris Aquino thanks Dingdong Dantes for the support

“Sa akin naman, I’m very grateful dahil siguro, natitiyempo rin na magagandang project yung napupunta sa akin. Siyempre, kung hindi rin naman ako ang kukunin, wala rin tayong magagawa.

“Salamat sa tiwala.”

Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Dingdong kung ano ang susunod niyang proyekto sa pelikula pagkatapos nga ng matagumpay na Sid & Aya.

“Hindi pa alam, e. Wala pa. Tutal naman, wala pa naman sa kalagitnaan ng taon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga report naman na may gagawin daw siyang pelikula sa Star Cinema na magiging Metro Manila Film Festival (MMFF) entry. Ito raw ang unang pagsasamahan nila ni Vice Ganda na diumano’y inspired sa pelikulang The Greatest Showman.

Nagulat naman si Dingdong sa balitang ito.

“Ngayon ko lang din nalaman, wala pa ‘kong alam,” saad niya.

“Pero that would be very interesting.”

AMAZING EARTH. Sa telebisyon, ipinapakita na ang teaser ng bago niyang programa sa Kapuso network, ang Amazing Earth.

Ayon kay Dingdong, sa June 17 na raw ito magpa-pilot episode.

“Ano siya, pagkukuwento siya ng mga amazing na bagay tungkol sa ating planet Earth.

“Honored ako na ibinigay sa akin ng GMA ‘to dahil hindi lang siya pagkukuwento  o kumbaga, hindi lang siya kuwento ng kagandahan ng ating mundo or ating environment, kumbaga, kuwento rin ng mga hayop sa kapaligiran natin.

“Makikita natin how similar we are dito sa mga nilalang na ‘to.”

Nakapag-taping na rin daw siya ng dalawang episodes.

Nabanggit na rin ni Dingdong na may bago rin siyang primetime series na gagawin sa GMA-7 na posibleng sa August umere. Hindi pa nga lang muna siya maaaring magbigay ng karagdagang detalye tungkol dito.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN