Ryza Cenon posts reminder to help people with depression: "Be nice, be sensitive"

IMAGE Instagram (@iamryzacenon)

Ryza Cenon, who underwent depression in the past, says caring goes a long way. "Sa simpleng pangangamusta makakatulong ka."


Isang paalala ang ipinost ng aktres na si Ryza Cenon tungkol sa mga taong nakakaranas ng depresyon.

Isa lamang si Ryza sa mga kilalang personalidad na nagulat sa pagkasawi ng kilalang American food and travel show host na si Anthony Bourdain.

Ayon sa mga naglabasang report nung Biyernes, June 8, nag-suicide ang 61-year-old host.

Sa Instagram post ni Ryza nung araw ring iyon, ipinaunawa ng Kapamilya actress na hindi lamang simpleng kondisyon ang depresyon, na pangunahing dahilan ng suicide attempts.

Sa mga taong hindi naiintindihan ang depression. Para sa inyo madaling sabihin na “bakit hindi ka humingi ng tulong sa iba?” “Inom mo yan tapos itulog mo lang ok ka na.” “Mag dasal ka” and etc... Hindi po ganun kadali sa amin na nakakaranas ng depression ang magsalita at magshare ng nararamdaman. Kahit kay God (nakakalungkot man pero totoo to) kapag under depression ka at kakausapin mo sya nauuwi sa sinisisi mo sya kung bakit ka nagkakaganito pinarurusaha ka kahit wala kang ginagawang masama. Lahat kukwestyunin mo kay God. May iba na akala mo makakatulong sayo para itayo ka pero sila pa ang aapak sayo hanggang sa madurog ka. Madaling sabihin na humingi ng tulong pero mahirap gawin kaya nga ang gusto nila mag isa at mag isa nila haharapin at tatapusin minsan (ang sakit????) dahil ayaw nila masaktan ng paulit ulit, ayaw nila makadagdag sa problema ng iba at may sasabihin sa kanila na hindi maganda at masasaktan ulit dahil sa totoo lang NAKAKAPAGOD sya NAKAKAPAGOD magkaroon ng Depression. Sakit sya na on and off na minsan akala mo ok ka na pero babalik sya ulit. Kaya maging sensitive tayo sa mga tao nasa paligid natin. Wag nyong hintayin lumapit at humingi ng tulong dahil hindi mangyayari yun bihira mangyari yun. Sa simpleng “uy kamusta ka na? Ok ka ba? Or dito lang ako na kaibigan anytime kung kailangan mo ng kasama or kausap” sa simple pangangamusta makakatulong ka. Kaya dapat isipin din natin yung lumalabas sa bibig natin na baka hindi tayo aware yung taong sinasabihan mo may mabigat palang dinadala at nasasaktan mo na, lahat tayo dito sa mundo ay tao lang, nasasaktan. So be nice and be sensitive. #realtalk #depression #depresyon #benicetopeople #besensitive #beaware

A post shared by Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

“Hindi po ganun kadali sa amin na nakakaranas ng depression ang magsalita at magshare ng nararamdaman,” post ni Ryza na umaming dumaan din sa depresyon.


Stories We Are Tracking

Ryza Cenon opens up about depression and suicide attempt
Ryza Cenon opens up about depression and suicide attempt

“Sakit sya na on and off na minsan akala mo ok ka na pero babalik sya ulit,” pahayag ng aktres.

“Madaling sabihin na humingi ng tulong pero mahirap gawin kaya nga ang gusto nila mag-isa at mag-isa nila haharapin at tatapusin minsan (ang sakit?) dahil ayaw nila masaktan ng paulit-ulit, ayaw nila makadagdag sa problema ng iba at may sasabihin sa kanila na hindi maganda at masasaktan ulit dahil sa totoo lang NAKAKAPAGOD sya NAKAKAPAGOD magkaroon ng Depression.”

BE NICE, BE SENSITIVE. “Kaya maging sensitive tayo sa mga tao nasa paligid natin,” ani Ryza sa kanyang post.

“Wag nyong hintayin lumapit at humingi ng tulong dahil hindi mangyayari yun bihira mangyari yun.” '

Malaki raw ang maitutulong ng simpleng pangungumusta sa isang tao dumaranas nito.

“Sa simpleng 'uy, kamusta ka na?' 'Ok ka ba?' Or, 'dito lang ako na kaibigan anytime kung kailangan mo ng kasama or kausap.'

“Sa simple pangangamusta makakatulong ka.

“Kaya dapat isipin din natin yung lumalabas sa bibig natin na baka hindi tayo aware yung taong sinasabihan mo may mabigat palang dinadala at nasasaktan mo na, lahat tayo dito sa mundo ay tao lang, nasasaktan.

“ So be nice and be sensitive.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang suicide ay hindi sagot.

May mga grupo at organisasyon na pwedeng tawagan para sa mga nangangailangan ng tulong: Depression & Suicide Hotline by Natasha Goulbourn Foundation, (02) 804-4673 / 0917
-558-4673 at ang Manila Lifeline Centre, (02) 896-9191 / 0917-8549191.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN