Letter sender accepts Gretchen Barretto and friends' apology

IMAGE @johnvalle20 on Instagram

Gretchen Barretto and friends Mimi Que and Patty Pineda issued a public apology on Saturday, June 9, via Instagram Live for their "immature behavior" while reading a follower's request for her mother-in-law. The letter sender, Jo-Ann Mula, accepted their apology.


Tinanggap ng letter sender na si Jo-Ann Mula ang public apology ni Gretchen Barretto at ng mga kaibigan nitonf sina Mimi Que at Patty Pineda.

Humingi sina Gretchen at ang mga kaibigan nito ng paumanhin mula kay Jo-Ann kagabi, June 9, matapos nilang hindi mapigilang matawa sa liham na ipinadala ni Jo-Ann na humihiling ng milk supplement para sa kanyang mother-in-law.

Isa si Jo-Ann sa mga napili nina Gretchen noong Miyerkules, June 6, na bigyan ng tulong sa pamamagitan ng kanilang Instagram charity project.

Sa pahayag ni Gretchen kagabi, sinabi nitong agad nilang kinausap si Jo-Ann at humingi ng paumanhin matapos ang kanilang Instagram Live sessions noong Miyerkules.

Aniya, "I apologized, we apologized, right after po we were all laughing that night.

"This is between Patty Pineda, Mimi Que, myself, and jmula because si jmula po ang nagpadala ng request or ng mga kanyang wishes.

"It was very rude, I admit. It was very inappropriate, unlady-like for us to behave that way.

Sa dulong bahagi ng kanyang pinakabagong live sessions, muling idiniin ni Gretchen, "I’m very very sorry. I’m grateful that you accepted my apology and if you want me to fly to Surigao wherever you are… I am willing to do that.

"And feel free to just get in touch with us through DM and we’re willing to help you more and more."

Sa kanyang Instagram account na may handle name na @jmula_ej, sinabi naman ni Jo-Ann na hindi na kinailangan pang humingi ng paumahin nina Gretchen dahil sa nangyari.

Sulat nito, "Seriously? Maam @gretchenbarretto @pattympineda @mimiyque... no need to apologize... that's no big deal..

"And no need to fly to surigao city po... i'm sorry too for the bashers and the negative comments.."

Sa huli, nagpasalamat din si Jo-Ann dahil sa kabaitang ipinakita umano ni Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag nito, "I just wanted to say thank you for your kindness and generosity and thank you for your time.

"Always be a blessing to other people. May GOD bless you always... #wishgranted"

A post shared by Jo-Ann M Mula (@jmula_ej) on


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN