Jake Ejercito defends "illegitimate" children via Twitter

IMAGE @unoemilio on Instagram

Jake Ejercito defends that illegitimate children do not have lesser value in society than a legitimate one.


Walang masama sa mga batang isinilang ng mga magulang na hindi kasal.

Ito ang nilalaman ng tweet ni Jake Ejercito, Linggo, June 10.

Sa kanyang tweet, ipinagtanggol ng 28-anyos na binata ang mga “illegitimate” children na aniya ay nakararanas ng diskriminasyon.

“This is for kids born out of wedlock who’re being pushed around just cus of it,” simula ng tweet ng anak ni dating pangulo at ngayo'y Manila Mayor Joseph Estrada at dating aktres na si Laarni Enriquez.

Si Jake ay may anak sa dating girlfriend na si Andi Eigenmann, ang pitong taong gulang na si Ellie.

Pagtatanggol pa ni Jake, hindi kasalanan ang pagiging illegitimate ng isang bata.

At ang halaga nila ay kagaya ng mga batang isinilang ng mga kasal na magulang.

“Being an illegitimate child is neither a fault nor sin.

“It also doesn’t make you of lesser value in society than a legitimate one.

“We’ve got a place in this world.

“Let’s make the most out of it.”  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN