Alfred Vargas gives advice to young co-actors in Kambal, Karibal

IMAGE Ruel Mendoza (left)/Screengrab from Kambal, Karibal (right)

Alfred Vargas's advice to young actors: "Kaya pinapayo ko sa mga batang kasama namin na pag-isipan nila ng mabuti kung saan nila gagastusin ang mga kinikita nila sa showbiz.


Natutuwa si Alfred Vargas na makatrabaho ang mga young stars na sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara at Pauline Mendoza, ang mga bida sa top-rating GMA-7 primetime teleserye na Kambal, Karibal.

Nakikita raw ni Alfred na sisikat at magtatagal ang apat na ito sa showbiz dahil masisipag magtrabaho at napaka-professional.

“Wala kang mararamdaman na may lalaki ang ulo sa kanilang apat,” sabi ng actor-turned-politician.

“Magagalang sila sa aming mga nakakatanda sa kanila at kapag work na, nakatutok talaga sila.

“Tsaka kahit na nasa ganyang mga edad sila, hindi mo sila makikitang nakikipagkuwentuhan or naglalaro sa mga cellphones nila.

“Nasa kanya-kanya silang sulok ang mga ‘yan at nagbabasa ng script.”

Sa katunayan, dahil sa nakikita niya sa kanyang mga batang co-stars, naaalala raw ni Alfred ang sarili noong kabataan nito. 

“Kaya nakakatuwa sila. They remind me of myself noong kaedad ko sila sa showbiz.

“Yung focus sa work. May time for work at may time nag-e-enjoy ka rin,” pahayag ni Alfred nang makapanayam namin siya sa set ng Kambal, Karibal sa Madison 101 Hotel sa Quezon City noong May 29.

TREASURE THE OPPORTUNITY. Kung may maipapayo raw si Alfred sa mga kabataang artista ngayon sa showbiz, iyon ay ang alagaan nila ang career at ang kanilang mga kinikita.

Hindi raw forever ang kasikatan sa showbiz kaya hanggang maaga ay dapat marunong silang mag-ipon at i-invest ang kanilang mga kinikita.

“Ako kasi noon, hindi ko ginagalaw ang mga talent fees ko,” paglalahad ni Alfred.

“Yung ATM ko kung saan pumapasok ‘yung mga TF ko sa mga shows ko before, hindi ko yun ginagalaw talaga.

“Since may iba naman akong pinagkakakitaan noon like, making movies, mga personal appearances, yun ang ginagamit kong panggastos sa bahay at sa personal kong mga pangangailangan.

“Until nalaman ko na ang laki na pala ng naipon ko.

“Kaya naisipan ko na mag-invest sa mga properties at nagtayo ng negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga nabili akong mga apartments na pinapaupahan ko ngayon.

“Nagtayo kami ng business ng kapatid ko at may farm lot akong binili sa Batangas.”

Bukod dito, makabubuti rin daw ang panatilihin ang simpleng pamumuhay.

“Hindi naman ako mahilig sa sobrang mamahal na mga gamit. Simpleng tao lang ako.

“Basta okey siya, kahit hindi branded ang suot ko, walang problema sa akin.

“Kahit sa sasakyan ko, hindi ako maluho.

“Noong nagbibilihan ng mga malalaking sasakyan yung mga kasabayan ko noon, ako simpleng kotse lang.

“Yung panggamit mo lang araw-araw at hindi maaksaya sa gasoline.”

Sa huli, inulit ni Alfred, “Kaya pinapayo ko sa mga batang kasama namin na pag-isipan nila ng mabuti kung saan nila gagastusin ang mga kinikita nila sa showbiz.

“Bigyan nila ng halaga ang mga pinaghirapan nila, na kahit hindi na sila masyadong nabibigyan ng projects, meron silang malaking ipon at naka-invest sa magandang bagay ang mga kinita nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN