Agot Isidro on running for Senator in 2019: "Give me time."

IMAGE Twitter photo by MJ Felipe

Hindi pa raw nakapagdesisyon ang singer-actress na si Agot Isidro kung papasukin ba niya ang pulitika sa darating na 2019 mid-term elections. Masaya pa naman daw siya sa kanyang trabaho sa ngayon bilang isang artista.


Kinumpirma ng singer-actress na si Agot Isidro na may kumakausap sa kanya tungkol sa posible niyang pagpasok sa pulitika sa darating na 2019 mid-term elections.

Nauna nang inihayag ni Senato Kiko Pangilinan na isa si Agot sa mga kinukumbinsi ng Liberal Party na tumakbo bilang senador sa eleksyon sa susunod na taon.

Read: Agot Isidro, kinukumbinsi ng Liberal Party na tumakbo bilang senador

Nagkaroon ng pagkakataon ang ilang reporters na hingin ang pahayag ng aktres tungkol dito sa ginanap na FAMAS Awards kagabi, June 10.

Ayon sa Twitter post ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe, inamin ni Agot may lumapit na sa kanya upang kumbinsihin na tumakbo sa pagka-senador sa 2019.

Ngunit humingi siya ng palugit dahil masaya pa raw siya sa kanyang propesyon bilang artista.

Aniya, “Give me time. Iba yung public service and being in the public eye, ha.

"Right now, I’m enjoying my craft, being an actress.” 

Sa parehong panayam, na iniulat naman ng Unang Balita kanina, June 11, binigyang-diin ng aktres na nag-e-enjoy pa siya sa paggawa ng mga pelikula.

"Ang sarap gumawa ng pelikula. Gawa muna tayo ng pelikula.

"Ang sarap umarte, especially now. I mean, di ba, I mean, the landscape of film-making has changed.

"So parang feeling ko, do'n muna ako sa nag-eenjoy ako. Parang hindi yata enjoy masyado ang Senado."

Si Agot ay isa sa mga kilalang kritiko ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN