Kris Aquino speaks out on family-related allegations

IMAGE Cyrus Panganiban for PEP.ph

Kris Aquino: "Akala mo ba matitinag ako? Pag puso at emosyon naapektuhan, #LABAN."


Hindi nagpatinag si Kris Aquino sa nagsanga-sangang pambabatikos sa kanya ng ilang netizens tungkol sa diumano’y kasiraan ng kanyang pamilya.

Ito ay matapos almahan ni Kris ang insidenteng “pambabalahura” ni Mocha Uson sa alaala ng kanyang yumaong amang si Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. 


Stories We Are Tracking

Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan
Kris slams Mocha for maligning late dad: Hindi kita uurungan
Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson
Kris Aquino defends legacy of her parents against Mocha Uson

Sa comments sa kanyang Instagram post, isang netizen ang nagtanong kay Kris kung sino ang pumatay kay Ninoy.

Dagdag ng netizen: “Rumor is your relatives did it. Sino nga ba, nagtatanong lang.”


Buwelta ni Kris, “I will categorically say not DANDING COJUANGCO (kahit mali yung pumayag mo & you wanted to type pumatay).

“Kawawa siya because again being used as a convenient scapegoat.

“My uncle Danding has my lifelong gratitude & respect. #TRUTH.”

Si Danding Cojuangco ay pinsan ng ina ni Kris na si dating Pangulong Corazon C. Aquino.

Ayon pa kay Kris, hindi mabubura sa kasaysayan ng Pilipinas ang naiambag ng kanyang mga magulang sa kabila ng paninira ng iba.

“Para mapaalala sa inyong lahat kung bakit ako nasaktan. Dahil hindi pinayagan ang tatay ko na makaapak man lamang sa Tarmac.

“MALOKA ka dahil paulit ulit kong papaalala sa inyo na pinatay si Ninoy Aquino.  At kung sa tatay mo ginawa yun—alangan naman hindi ka rin masasaktan?

“Yun ang MALI nila. Ginising nila yung nananahimik na alaala.

“Akala mo ba matitinag ako? MAY KARAPATAN AKONG MAG-POST dahil dugo at laman niya ko na hindi titigil mag paalala sa kahayupan na nagawa sa tatay ko.

“NANANAHIMIK nga, hinahayaan lahat ng batikos—pero pag puso at emosyon na apektuhan, #LABAN.”  


Hindi man diretsahang sinabi ni Kris, pero base sa kanyang sumunod na pahayag, ipinahiwatig niya kung sino ang "mastermind" sa likod ng paninira laban sa kanyang mga magulang.

Ani Kris, "kaya nga hindi ako sa NEVER AGAIN. Sa LABAN AGAIN ako."

Ang katagang "never again" ay ginagamit ngayon ng mga taong bumabatikos sa pamilya Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noon pa man ay kilalang magkatunggali na sa pulitika ang mga pamilya Aquino at Marcos.

Ang ama ni Kris na si Ninoy ay kilala noon bilang isa sa mga matitinding tumutuligsa sa pamamahala ng dating diktador na si Ferdinand Marcos.

Noong panahon ng martial law, sa ilalim ng rehimeng Marcos, nakulong si Ninoy Aquino Jr.


Isa pang isyung binabato kay Kris ay ang matagal nang sigalot sa pagitan ng farmer beneficiaries at Hacienda Luisita, ang sugar plantation na pagmamay-ari ng pamilya Cojuangco o maternal side of the family ng TV host-actress.

Noong 2012 ay inutos ng Korte Suprema na ipamahagi ang 4,916 hectares na lupang sakahan sa farmer beneciaries, at sinimulan itong inimplement noong 2013 sa ilalim ng administrasyon ni President Benigno “Noynoy” Aquino III.

Tanong ng isang netizen, “What can you say about the Hacienda Luisita incident?”

Sabi ni Kris tungkol sa Hacienda Luisita, “it was bought by my grandparents w/ their money but unfortunately mismanaged by my mother’s brother. You asked for opinion that’s it.”


Singit ng isa pang netizen: “dapat nasabi niyo yan noon pa sa publiko para hindi kayo ang napagbalingan ng kung ano anong masasakit na salita...”

Hindi na nagdetalye pa si Kris, ngunit nagpahaging siya sa matagal nang iringan sa pagitan ng kanyang pamilya at mga hindi pinangalanang kamag-anak ng kanyang inang si Cory.

“My favourite aunt was still alive, my auntie Passy. Tearing up while writing this.

“She was there when I gave birth to kuya josh. Out of respect for her I shut up.

“Nasigawan ako ng misis nung uncle na tinutukoy ko dahil tinatawag ko na si Noy dahil manunuod kami ng Little Bossings.

“Nandun kami dahil sa auntie passy kahit kailangan sikmurain yung walang ginawa kundi bastusin kami.

“Auntie Passie is now in heaven w/ my mom. Kaya pwede na kong magsalita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Kris na tiyahin niya ay si Maria Paz Cojuangco-Teopaco, kapatid ng kanyang inang si Cory.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN