Vice Ganda admits to undergoing multiple cosmetic procedures to improve his looks

IMAGE @praybeytbenjamin on Instagram

Vice Ganda denies undergoing through the knife but admits to going through multiple cosmetic procedures to enhance his looks.


Napaamin si Vice Ganda na sumailalim na siya sa ilang cosmetic procedures sa ngalan ng pagpapaganda.

Sa episode ng Gandang Gabi Vice nitong Linggo, June 10, umupo bilang interrogator si Gus Abelgas sa "Guily Or Not Guilty" segment ng late-night show, kung saan si Vice ang sasagot sa mga tanong.

Isa sa mga itinanong ng broadcast journalist kay Vice ay kung sumailalim ito sa operasyon para gumanda.

Sagot ni Vice, “Opera ba yon? Hindi naman kasi opera, parang procedure lang.

Dugtong niya, “Pag tinurok yung mukha mo, opera yon?

“Di ba, di naman opera yon?”

Pagkatapos nito ay iniisa-isa ni Vice ang pagturo sa mga parte ng mukha na nagpaturok siya.

“Hindi po ako nagpa-opera, may mga procedure lang,” paglilinaw niya.

Sabay turo sa may bandang sentido niya, “Tinurukan para mabanat,”

Pagkatapos ay tinuro niya ang kanyang baba, “Ganyan dito para magkababa,”

Nagpaturok din daw siya sa may ilalim ng baba para matanggal ang excess fats at umangat ang balat.

Ganito rin daw ang ginawa sa kanyang cheeks area para hindi lumaylay ang balat.

Hindi rin niya itinangging nagpaturok siya sa nose area para hindi masyadong nakaangat.

Biro pa ni Vice sa huli, “Andami palang nangyari. At hindi pa operasyon, puro turok lang talaga. Tinurok lang.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN