John Lloyd Cruz attends preliminary hearing of complaints versus girlfriend Ellen Adarna

IMAGE @mjfelipe on Twitter / TV Patrol

John Lloyd Cruz shows up at the preliminary hearing of the child abuse and cybercrime complaints filed against his girlfriend Ellen Adarna at the Pasig City Office of the Prosecutor, on Monday, June 11. 


Dumalo si John Lloyd Cruz sa rescheduled preliminary investigation ng mga reklamong child abuse and cybercrime na isinampa laban sa kanyang girlfriend na si Ellen Adarna ng mga magulang ng teenager na si Eleila Santos.

Nangyari ang hearing sa Pasig City Office of the Prosecutor ngayong Lunes ng hapon, June 11.

Kasamang dumating ni John Lloyd ang legal counsel ni Ellen, ayon sa tweet ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe.

Naroon rin daw ang kampo ni Eleila.

Tumagal ang preliminary investigation ng less than 30 minutes at hiniling ng kampo ng respondent na muli itong ma-reschedule sa June 25.

Itinakda ang unang hearing noong June 4, na dinaluhan ng mga magulang ni Eleila na sina Myra at Roel Santos kasama ang kanilang abogado.

Pero hindi nakasipot ang kampo ni Ellen na ngayon ay buntis sa anak nila ni John Lloyd.

Inilipat ang hearing nitong June 11 upang mabigyan ng pagkakataon ang kampo ni Ellen.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna no-show at first hearing of cases against her
Ellen Adarna no-show at first hearing of cases against her

Sinampahan ng reklamong paglabag sa R.A. 7610 o Anti-Child Abuse Law at R.A. 10175 o Anti-Cybercrime Law si Ellen ng mga magulang ni Eleila noong May 15.

Ito ay dahil sa pag-post sa Instagram account ni Ellen ng video ng menor na edad na dalagita.

Sa post ni Ellen, inakusahan niya ang dalaga na kinukunan umano silang dalawa ni John Lloyd ng video habang kumakain sa isang ramen restaurant sa Makati City, noong May 4.

Pagkalipas ng tatlong araw, nag-post ng open letter ang ina ni Eleila na si Myra at nag-demand kay Ellen ng public apology para sa diumano'y maling akusasyon ng aktres laban sa anak.

Pero hindi ito ginawa ni Ellen.

Pagkalipas ng isang linggo ay sinampahan ng kampo ng dalaga si Ellen ng child abuse at cybercrime complaints.

 


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna sued for cyber crime, child abuse complaints
Ellen Adarna sued for cyber crime, child abuse complaints
Teenager's family demands public apology from Ellen Adarna
Teenager's family demands public apology from Ellen Adarna


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN