Julie Anne San Jose reunites with Sugarpop co-members

IMAGE Noel Orsal (right)/My Japs Official on Facebook

Julie Anne San Jose (left photo) relates fun experience during her reunion with her Sugarpop co-members. In the right photo, Julie Anne (in white sleeveless top) posed for a group photo with (clockwise from upper left) Renzo Almario, Rita Daniela, Pocholo Bismonte, Vanessa Rangadhol.


Kakaibang saya raw ang naramdaman ni Julie Anne San Jose nang muli niyang makasama ang mga ka-miyembro niya noong sa grupong Sugarpop dalawang Linggo na ang nakalilipas.

Ang Sugarpop ay binuo ng GMA Network, kung saan ang mga miyembro ay ang finalists sa dating singing talent search show na Pop Star Kids.

Ito ay sina Julie Anne, Pocholo Bismonte, Renzo Almario, Vanessa Rangadhol, at Rita Daniela, na siyang grand champion noon.

Sa isang villa raw nangyari ang masayang reunion ng limang young singers kamakailan.

“Sobrang sarap lang,” excited na kwento ni Julie Anne.

“Ilang beses na rin po kaming nag-uusap-usap, 'O, kailan ba tayo ulit magkikita-kita?'

“E, hindi po talaga nagtutugma-tugma yung schedule naming lahat.

“So, sabi ko tara mag-ano tayo, lahat pumunta.

“Sobrang saya kasi parang kailan ko sila last nakita?

“Parang early this year ko pa sila last na nakita, New Year or January.”

“It was really fun. Kahit yung mga parents nila, everyone was really fun.

“We had food, we had sounds...”

Katulad ng ibang reunion, hindi rin nawala sa kanilang bonding ang kantahan at sayawan.

Sa katunayan, sa isang video na na-upload sa Facebook Page ni Julie Anne, makikita ang lima na kabisado pa ang dance steps para sa single nila noong “Sugarpop.”

Masayang kwento pa ni Julie Anne, “Nag-throwback kami, yung songs sa album namin pinakinggan namin.

“Nakakatawa talaga kasi para kaming nasa children's party.

“Sobrang nakakatuwa lang talaga na nagsama-sama kaming lahat kahit na may iba kaming paths o directions.

“Yun lang yung time na nagkita kaming [lahat] kaya sobrang sarap ng feeling, ang daming mga kwento.”

Maituturing na isang magandang time out ito para kay Julie Anne, na abala sa kanyang daytime series na My Guitar Princess.

Naka-schedule din siyang umalis ng bansa patungong Dubai, kasama sina Regine Velasquez at Christian Bautista, para sa 3 Stars, 1 Heart Concert sa Dubai World Trade Center sa Sabado, June 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN