Luis Manzano, Alex Gonzaga assure their constant 'asaran' is all for fun

IMAGE FoxPlusPH on Facebook

Alex Gonzaga assures that she will never get offended by Luis Manzano's jokes about her. She reasons, "Kasi si Kuya Luis din, mga mga times din na kapag may namba-bash sa akin, nakiki-support din o naba-bash din niya."


Sa followers nina Luis Manzano at Alex Gonzaga, tila normal nang makita ang nag-aasaran sila sa harap man ng telebisyon o sa kani-kanilang social media accounts.

Kung hindi ka pamilyar sa tipo ng asaran ng dalawang Kapamilya TV host, maaaring isipin na darating sa punto na magkakapikunan ang dalawa.


Siniguro nina Luis at Alex na wala sa kanila ang pikunan, “Wala, alam naman namin na everything we say is in jest.

“Kumbaga, kahit ganun kami magbalahuraan, there's still a line that we draw sa asaran namin.”

Hindi na rin daw nila kailangan pang pag-usapan ang kanilang asaran dahil, ani Luis, “Kilala na namin ang isa't isa.

“Basically, kahit anong sabihin ko, hindi naman mapipikon 'yon and vice versa.”

Dagdag na paglalarawan pa niya sa pagkakaibigan nila ni Alex, “It's a love-pretending-to-hate relationship.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa matapos ang isinagawang Fox Plus Showdown noong Sabado, June 9 sa Bonifacio High Street sa Taguig City.


Samantala, sa mabilis na pakikipag-usap ng PEP.ph kay Alex, siniguro rin niya na hindi siya napipikon sa madalas na pang-aasar sa kanya ni Luis.

“Never,” sabi ni Alex, “Kasi si Kuya Luis din, may mga times din na kapag may namba-bash sa akin, nakiki-support din o naba-bash din niya.”

Ayon kay Luis, una siyang naging malapit sa ate ni Alex na si Toni Gonzaga, na nakasama na niya sa iba't ibang hosting gigs tulad ng ASAP at The Voice.

Naging magkalapit lang sina Luis at Alex nang humalili ang huli sa kanyang ate sa unang season ng The Voice Kids.

Ngayon ay magkasama ang dalawa sa late-night weekend show na I Can See Your Voice, kung saan host si Luis samantalang si Alex ay isa sa sing-vestigators.


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN