Gretchen Barretto slams netizens calling her "plastic, can't buy class"

IMAGE Instagram @johnvalle20

Gretchen Barretto's response to a basher: "If you think you can bully me by posting nasty comments... BRING IT ON.... I'm ready for you."


Hindi pinalampas ni Gretchen Barretto ang panghuhusga sa kanya ng ilang netizens matapos niyang masangkot sa kontrobersiyal niyang Instagram Live video na naging viral sa social media.

Nauna nang binatikos si Gretchen at ilan pa niyang kaibigan dahil sa inasta nilang pagtawa habang binabasa  ang isang liham na ipinadala ng kanilang Instagram follower na humihingi ng tulong para sa mother-in-law nito.

Ang boluntaryong wish-granting activity ni Gretchen sa kanyang Instagram followers na nangangailangan ng tulong ay nagsimula noong April 1 (Easter Sunday).


Stories We Are Tracking

Gretchen draws flak for laughing at a letter sent thru IG
Gretchen draws flak for laughing at a letter sent thru IG
Gretchen Barretto issues public apology to letter sender
Gretchen Barretto issues public apology to letter sender

Ngayong araw, June 11, ibinahagi ni Gretchen ang panibagong batikos sa kanya ng isang netizen, na tumawag sa kanyang “plastic.”

Balik-sagot ni Gretchen, “@kendacico AND WHAT WILL I GAIN FROM BEING PLASTIC ?! ( or Pakitang tao ) I have retired from show business, I am not into politics) I do not need your approval.

“Move on ... Get a life. You are projecting your anger & bitterness towards me. Be productive, work & earn a living & help others before you waste precious time on me ( someone you don’t know personally) peace , love & light [praying emoji]

“if you think you can bully me by posting nasty comments... BRING IT ON... I’m ready for you [heart, laughter, kiss emojis]”



Batikos ng isa pang netizen kay Gretchen, "Money can't buy class."

Balik-sagot ni Gretchen, "and now you DEACTIVATED YOUR ACCOUNT [laughing emoji] see, you can't handle shame! Don't do it to others."


Sinagot din ni Gretchen ang isang netizen na inakusahan siyang walang pakialam sa ama niyang mayroon umanong sakit.

Komento ng netizen, "naging bato n lng c gretchen ngaun.. my sakit nga tatay la paki e"

Hindi man nagdetalye si Gretchen, hindi kaila sa publikong wala nang komunikasyon si Gretchen sa kanyang mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto simula nang magkaroon sila ng alitan noong 2013.

Buwelta ni Gretchen, "You DO NOT KNOW OUR HISTORY, nor Do you know my pain."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Stories We Are Tracking

Letter sender accepts Gretchen Barretto, friends' apology
Letter sender accepts Gretchen Barretto, friends' apology
Gretchen Barretto never denied being Tonyboy's mistress
Gretchen Barretto never denied being Tonyboy's mistress


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN