Julia Barretto happy to have new friend Loisa Andalio

IMAGE MYCHOS.com

Julia Barretto on Loisa Andalio: "I've found another friend and we both along really well."


Maraming Joshlia at LoiNie fans ang natuwa tungkol sa kumalat na girl bonding nina Julia Barretto at Loisa Andalio sa social media.

Makasamang kumakain sa isang restaurant, nagkape, at naglaro pa ng isang popular video game sina Julia at Loisa.

Tinuldukan nito ang matagal nang usap-usapan na may alitang namamagitan sa dalawa.

Ang itinuturong rason ay ang kasalukuyang ka-love team ni Julia na si Joshua Garcia, na nauna noong naipareha kay Loisa.

Gayundin, ang pagkakapareha ni Julia noon kay Ronnie Alonte sa seryeng A Love To Last, bago pa nabuo tandem nila ni Loisa.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Julia sa nakaraang 66th Famas Award, na ginanap sa The Theatre ng Solaire Resort and Casino noong Linggo, June 10.

Dito, agad naming tinanong ang aktres kung sino ba ang nag-initiate ng paglabas nila ni Loisa

“Nag-message sa akin si Loisa.

“Actually, we’ve been looking for a very long time,” sagot ni Julia.

Dahil daw sa nangyari, nakahanap ng bagong kaibigan si Julia.

“Of course, its nice that I’ve found another friend and we both along really well.

“It’s nice to gain a lot of new friends and friends that you can trust.”

Kaugnay nito, nagbigay din ng mensahe si Julia sa mga tagahanga nila ni Loisa, na minsan ding nagkasagutan at nag-away sa social media.

“Let’s spread love and positivity,” aniya.


Stories We Are Tracking

Ronnie reacts to Julia-Loisa girl bonding photo
Ronnie reacts to Julia-Loisa girl bonding photo



SUPPORT JOSHLIA MOVIE. Samantala, di pinalad na manalo sina Julia at Joshua sa FAMAS, kung saan nominado sila sa Best Actress at Best Actor categories para sa pelikulang Love You To The Stars And Back. Pero dumalo pa rin ang dalawa para magbigay suporta sa award-winning-body.

“Pareho kaming very, very grateful dahil kinonsider kami at saka ni-recognize.

“Malaking bagay na ‘yun para sa amin,” sabi ni Julia.

Inaasahan naman ni Julia ang suporta ng fans nila ni Joshua sa upcoming movie nila na I Love You Hater, na ipalalabas na sa mga sinehan sa July 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Excited na kami, sana bukas na nga ipalabas, e, sana suportahan nila,” sabi ni Julia.

Makakasama nina Joshua at Julia sa pelikula ang nagbabalik-Kapamilya na si Kris Aquino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN