Is Donny Pangilinan prohibited from watching mom Maricel Laxa's movies?

IMAGE Noel Orsal

Donny Pangilinan says his mom Maricel Laxa discourages him from watching her past movies. In fact, if he wants to, Donny says his mom told him, "Kapag manonood ka kailangang nandoon ako, ha."


Bukod sa pagiging MYX VJ, pinasok na rin ni Donny Pangilinan ang pag-arte sa pamamagitan ng pelikulang Walwal ng Regal Films

Aminado ang binatang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan na mahiyain siya noon.

Pero sa kabila nito, siya ang nagkaroon ng interes na pasukin ang showbiz sa kanilang magkakapatid.

Ang pagiging aktibo sa social media raw ang nakikita niyang dahilan kaya lumakas na ang loob niya.

Ani Donny, “As I’ve said, mahiyain po ako. Ang social media ang naging way for me, putting myself out there.

“It’s my way of showing who I really am.

“With the support [people] gave me, I message them as well.

“And since nasa-shy ako, they’re really big part of this,” sabi ng 20-year-old na VJ-actor.

Dagdag pa niya, “I enjoy making people smile, yun ang pinakamalaking part siguro.

“Through these, I hope to inspire people.

“Tuwing nakikita ko yung mga positive effects that I put on people’s faces and whenever I go out of town, whenever I need my supporters, I love it.”

WATCHING MOM'S MOVIES. Katulad ng kanyang inang si Maricel, gusto rin daw ni Donny ang pag-arte.

Pero aminado siya na wala pa raw siyang napapanood na pelikula ni Maricel nang buo dahil mismong mommy niya ay ayaw siyang papanoorin ng mga nakaraang pelikula nito.

Naalala pa ni Donny, “You know what’s interesting?

“We have this scene in the movie that we went to this old video stores and I never see my mom's movies, ayaw niya.

“So I went there and I asked do you have Maricel Laxa?

“They gave me all of her movies and I gave it to my Mom.

“'Tapos sabi niya sa akin, 'Saan mo nakuha to? Kapag manonood ka kailangang nandoon ako ha.

“First time niya na makakuha ng mga CD’s na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naku-curious ba siya na mapanood ang mga lumang pelikula ng kanyang Mommy Maricel?

“Well, I’ve seen some clips, 'tapos yung mga awards niya naka-display sa bahay.

“I respect my mom very much.”

Kung meron man daw pelikula ang ina na gusto niyang mapanood, ito ang Minsan Lamang Magmamahal.

Ang direktor ng naturang pelikula ay si Direk Joey Javier Reyes, na siya ring nagdirek ng pelikula nina Donny na Walwal.

Tumanggap si Maricel noon ng award na Pinakamahusay na Pangalawang Aktres mula sa Gawad Urian noong 1998, ka-tie si Elizabeth Oropesa para naman sa pelikulang Milagros.

Kuwento pa ni Donny, “When my Mom won the award, she was pregnant with me.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters si Donny sa press conference ng Walwal sa Valencia Events Place noong June 5.

BUILDING FRIENDSHIP. Samantala, maganda naman daw ang naging karanasan niya sa kanyang unang pelikula, ang Walwal.

Halatang relax na ito agad, lalo na sa mga nakasamang cast.

Ayon kay Donny, “I think you could see naman kung gaano kami ka-close lahat.

“First day pa lang, nag-click na kaming lahat and a lof of the scenes didn’t feel like we were acting.

“It feels very authentic, very organic.

“And from the very start of the movie, yun po ang sinabi ni Direk sa amin, 'Ayokong ma-feel na umaarte kayo, mag-barkada talaga kayo.'”

Kuwento pa niya, “So, we made it a point to see each other.

“Even if we’re not working, we would hang-out with each other.

“Para magkaroon kami ng chemistry and it could be seen in the entire movie.

“So I’m very blessed. I wouldn’t choose a different set of people in my first movie and, of course, directed by Direk Joey, such an honor.

“And under Regal Entertainment and Mother Lily [Monteverde] also.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CELEBRITY KIDS. Pare-parehong mga anak ng artista ang apat na bidang lalaki ng Walwal.

Bukod kay Donny, nandiyan din sina Jerome Ponce, anak ng dating action star na si Jessie Delgado; si Kiko Estrada, anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz; at si Elmo Magalona, anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

Bagamat kilala ang kanilang mga magulang, hindi naman daw sila nape-pressure na tapatan ang kasikatan ng mga ito.

Ani Donny, “Para po sa akin, hindi naman po mawawala yun.

“At the end of the day, there would be some pressure.

“But it doesn’t really get to us. For me, it’s a motivation.

“Yung mga parents ko, sila po yung support system ko.

“Sa lahat ng mga problema ko, sa lahat ng mga bagay na kailangan ko ng tulong, they were there for me.

“I see it as a motivation and it pushes me to do better and be the best that I can be. May konting pressure, pero it’s a motivation.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN