Devon Seron slowly adjusting to her new home network

IMAGE James Patrick Anarcon

As a new Kapuso, Devon Seron says she does not feel any pressure in her new home network, GMA-7. She said, "Kapag nasa shoot na ko, kapag nakakahalubilo ko na sila, they make me feel comfortable."


“Masaya, parang hindi siya work.”

Ganito inilarawan ni Devon Seron ang karanasan niya habang ginagawa ang pelikulang Walwal, na pinagbibidahan nina Elmo Magalona, Jerome Ponce, Donny Pangilinan, at Kiko Estrada.

Patuloy ni Devon, “Maganda ang experience, unforgettable.

“Marami akong nami-miss lalo na sa mga friends, sa mga ginagawa namin.

“And of course, parang napapa-isip ako, 'Nangyari rin ba ito sa family ko or sa parents ko before?'”

Naging malapit din daw ang loob ni Devon sa kanyang mga co-actors, partikular na sa leading man niyang si Kiko Estrada.

“Maraming moment kami na nag-uusap nang masinsinan or seryoso about our life, about our work,” paglalarawan ni Devon sa pakikipagtrabaho niya kay Kiko.

Kabilang kaya sa pinag-uusapan nila ang pagiging bagong Kapuso ni Devon?

“Yes po, marami kaming napag-usapan. May nakuwento rin siya sa akin na feeling ko, makakatulong din sa akin,” sagot ni Devon.

Dugtong pa niya, “Tulad ko po, nangangapa pa lang din po ako dahil bago lang ako.

So, parang feeling ko talaga back to zero ako.

“Marami siyang sinabi sa akin to feel confident again at isipin ko ang mga pinagdaanan ko. Yung mga natutunan ko sa acting.”

Marso nitong taon nang opisyal na lumipat si Devon sa GMA-7 mula sa ABS-CBN 2.

Sa ngayon, puro guest appearance pa raw ang ginagawa niyang proyekto sa GMA.

Unti-unti ay nagiging kumportable na rin daw siya.

Ayon kay Devon, “Masaya naman po kasi kahit three months pa lang po ako run, marami na akong napag-guest-an na show.

“They’re very nice to me and very friendly.

“Akala ko mapi-pressure ako. Kasi, every time na magsu-shoot ako run, every time na may guesting ako, palagi po talaga akong napi-pressure. Palagi akong kinakabahan.

“Pero kapag nasa shoot na ko, kapag nakakahalubilo ko na sila, they make me feel comfortable.”

Ngayong Kapuso na siya, wala naman daw siyang sine-set na expectations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nais lang daw ni Devon maipakita pa kung anuman ang talento niya.

“Wala po akong expectation. I just want to hone my talents. Maipakita kung ano pa ang kaya kong gawin.

“I just wanna do better and do my craft.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN