Gretchen Barretto on responding to bashers: "It's beginning to be so much fun."

IMAGE @juansarte on Instagram

Gretchen Barretto: "Yes , I said I will try to be more MATURE. I did not say I will BE MATURE TOMORROW... I said, I will try. It does not mean it will happen soon. I can't buy maturity, it's out of stock for now it simply takes time."


Tuloy ang pagbuwelta ni Gretchen Barretto sa bashers kaugnay ng kanyang wish-granting activity via social media.

Mula nang maging viral ang video kung saan pinagtatawanan nila ng non-showbiz friends niya ang liham ng isang letter sender, naging aktibo ang aktres sa pagsagot sa mga namimintas sa kanya.

Humingi na ng paumanhin si Gretchen at mga kaibigan niya sa pamamagitan ng isang Instagram live session noong Sabado, June 9.

Pero hindi rito natapos ang isyu dahil patuloy ang pagkutya at pagkuwestiyon ng ilang netizens sa pagtulong ni Gretchen sa mga nangangailangang netizens.

Recently, ipinu-post ni Gretchen ang pamba-bash ng netizens at sinasagot niya ang mga ito.

Isa na rito ang pagtawag sa kanyang “plastic” sa pagtulong.


Stories We Are Tracking

Gretchen Barretto issues public apology to letter sender
Gretchen Barretto issues public apology to letter sender
Gretchen draws flak for laughing at a letter sent thru IG
Gretchen draws flak for laughing at a letter sent thru IG
Gretchen Barretto slams netizen calling her 'plastic'
Gretchen Barretto slams netizen calling her 'plastic'

IMMATURE AND ARROGANT. Nitong June 12, dalawang bashers ang sinagot ni Gretchen dahil tinawag siyang "immature" at "arogante."

Sa unang screenshot, pinuna ng netizen si Gretchen sa pagsagot sa kanyang bashers at hindi raw nito mapanindigan ang pahayag na susubukang magpaka-mature.

Sagot niya, “Yes , I said I will try to be more MATURE. I did not say I will BE MATURE TOMORROW... I said, I will try.

“It does not mean it will happen soon.

“I can’t buy maturity, it’s out of stock for now it simply takes time.

“So, here it goes I want to have fun playing with cyber bullies.”


Pangungutya pa ng isang basher, dahil sa pagiging arogante raw ni Gretchen na ipinu-post ang pagtulong sa netizens, dapat tulungan daw nito lahat ng nangangailangan.

Buwelta naman ni Gretchen, “ARE YOU PERFECT, Blameless?

“You are accusing me of Arrogantly posting?

“Do you even know how this Granting of wishes started? It started from my IG followers, asking a Wish to be granted?

“How in the world do I grant IG followers without posting whom we have chosen to Grant?”

Hamon pa ni Gretchen sa netizen, “WOULD YOU WANT TO TAKE OVER GRANTING WISHES & NOT POST, BEB?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I CAN GLADLY HAND IT TO YOU SINCE YOU BELIEVE YOU ARE ABOVE THE REST I CHALLENGE YOU TO GRANT AT LEAST A FEW ROUNDS OF CHEMO SESSIONS & a Few CYCLES OF DIALYSIS EACH TIME YOU BASH.”


Nag-react din si Gretchen sa isang netizen na ipinagtatanggol siya.

Sabi ng aktres, nae-enjoy na niya ang pagsagot sa mga bashers.

“It’s beginning to be so much fun, it’s my new sport.

“Bashers deactivate their account once they can’t handle shame which they want us, personalities to feel.

"I’m just giving them a dose [of their own medicine]."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN