Kris Aquino regrets dragging Mar Roxas's name in rant against Korina Sanchez

IMAGE Arniel Serato

Seryoso raw si Kris Aquino na iendorso ang kandidatura ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go sa pagka-senador sa 2019 elections. 


Inamin ni Kris Aquino na nagkamali siya sa pagkaladkad sa pangalan ni Mar Roxas sa kanyang rant laban sa asawa nitong si Korina Sanchez.

Sa live appearance ni Kris sa radio-TV show ni Cristy Fermin na Cristy Ferminute (sa Radyo 5 92.3 News FM at Aksyon TV Channel 41), noong June 7, napag-usapan nila ng dating co-host sa The Buzz ang tungkol dito nang banggitin ni Kris na seryoso siyang iendorso ang kandidatura ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go sa pagka-senador sa 2019 elections.

Ibinahagi ni Kris kay Cristy ang text niya kay Bong noong kasagsagan ng patutsadahan nila ni Mocha Uson sa social media noong nakaraang linggo.

Sabi ni Kris sa kanyang text na binasa niya kay Cristy, “Please relay to PRRD [President Rodrigo Roa-Duterte] that he has my sincere gratitude.

“And if you really want the senate seat—kahit kontra ako leaving the president—anytime you want a picture with the three of us together, meaning PRRD, BG [Bong Go], and KCA [Kris Cojuangco-Aquino], I shall gladly go to you.

“May perfect track record ako sa mga in-endorse ko sa Senado."

Baling pa niya kay Cristy, "Totoo naman yun, a.”

Ilan sa mga inendorso ni Kris sa pagka-senador noon ay sina Sonny Angara, Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, Francis “Chiz” Escudero, Risa Hontiveros, Grace Poe, at Alan Peter Cayetano.

Sabat ni Cristy, “Pero meron akong isusundot mamaya na hindi ka nagtagumpay.”

Tugon ni Kris, “Senado? Hindi. Inamin ko. In-edit ko lang. In-edit ko yung part na yun.”

Ang tinutukoy ni Cristy ay ang endorsement ni Kris kay Mar noong 2016 presidential elections kung saan natalo ito ni Duterte.

Sabi ni Kris, kasama ito sa text niya kay Bong ngunit in-edit lamang niya ang binasa sa show.

“Andito yun. Umamin naman ako at alam mo na yun.

"And, Nay, yun kasi… mali ako dun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mali naman akong idinamay ko siya.”

Walang tinukoy na pangalan sina Kris at Cristy.

Ngunit malinaw na ang tinutukoy nila rito ay ang pagdamay ni Kris kay Mar sa kanyang Instagram rant laban kay Korina ilang oras matapos umere ang Rated K ng ABS-CBN noong April 22.

Sa nasabing episode ng programa ni Korina ay na-feature ang ex-husband ni Kris na si James Yap at ang partner nitong si Michela Cazzola at anak nilang si Baby Michael James (MJ).


Stories We Are Tracking

Kris Aquino slams Korina Sanchez over James Yap feature
Kris Aquino slams Korina Sanchez over James Yap feature
Kris Aquino stands by accusation against Korina Sanchez
Kris Aquino stands by accusation against Korina Sanchez


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN