Ellen Adarna and John Lloyd Cruz expecting their baby anytime soon

IMAGE Courtesy: PEP Source / Screengrab: News 5

Si John Lloyd Cruz ang dumalo sa preliminary investigation ng mga kinakaharap na reklamo ng girlfriend na si Ellen Adarna sa Pasig Prosecutor's Office noong Lunes, June 11, dahil anumang oras ay manganganak na ang aktres.


Si John Lloyd Cruz ang dumalo sa preliminary investigation ng reklamong child abuse at cyber libel na kinakaharap ng kanyang girlfriend na Ellen Adarna.

Ito ay kaugnay ng isinampang reklamo ng mga magulang ng teenager na si Eleila Santos, na inakusahan ni Ellen ng patagong pagkuha ng video nila ni John Lloyd sa loob ng isang ramen restaurant sa Makati City noong May 14.

Ginanap ang hearing sa Pasig City Prosecutor's Office nitong Lunes ng hapon, June 11.

Kasama ng aktor na dumalo sa pagdinig ang abugado ni Ellen.


Stories We Are Tracking

John Lloyd attends hearing of legal complaints vs. gf Ellen
John Lloyd attends hearing of legal complaints vs. gf Ellen

Tumagal lamang ng halos 30 minuto ang preliminary investigation, matapos hilingin ng kampo ni Ellen sa korte na ipagpaliban ang pagpapatuloy ng hearing sa June 25.

Pinagbigyan naman ng korte ang kanilang hiling.

Kinagabihan, kinumpirma ng News5 reporter na si MJ Marfori ng Aksyon Prime ng TV5 na ang inihaing motion for trial rescheduling ng abugado ng aktres ay dahil anytime soon ay isisilang na ni Ellen ang anak ni John Lloyd.

Noong November 2017 ay eksklsusibong ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagdadalantao si Ellen sa anak nila ng boyfriend na si John Lloyd.

Bagamat halata na ang paglaki ng tiyan ni Ellen, wala pang tuwirang pag-amin mula sa dalawa. 


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father
Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN