Dingdong Dantes on showbiz burnout: "It's something that we should not dismiss."

IMAGE Noel Orsal

Dingdong Dantes on dealing with showbiz burnout: "Kinakailangan mo ma-experience ang isang breakdown para ma-appreciate mo ang isang breakthrough. Otherwise, magiging meaningless siya."


Aminado si Dingdong Dantes na hindi maiiwasan sa isang artista ang makaranas ng burnout, depression, o ibang mental health issue dahil sa tindi ng pressure sa trabaho.

Pahayag ng Kapuso actor, “It’s something that happens.

"It’s something that we should not dismiss. Kailangan bantayan talaga.

“Pero hindi ibig sabihin, pag nangyari yun, yun na ang katapusan.”

Sa tagal niya sa showbiz industry, aminado si Dingdong na maging siya ay nakararamdam ng burnout sa trabaho.

Lalo na't walang garantiyang palaging maganda ang takbo ng showbiz career ng isang artista.

“I’m still part of an evolving process na wala namang sigurado, walang simple, walang mahirap.

"Pero magkakaroon at magkakaroon ng pagsubok. We just have to be prepared."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters si Dingdong sa presscon ng Amazing Earth, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center, sa Quezon City, ngayong araw, June 13.

Patuloy ni Dingdong, mahalaga ang positibong disposisyon at suporta mula sa pamilya at mga kaibigan upang malampasan ang anumang pagsubok sa buhay.

“Kinakailangan mo ma-experience ang isang breakdown para ma-appreciate mo ang isang breakthrough. Otherwise, magiging meaningless siya.

“When that time comes, just make sure you have people around you na tutulong sa ‘yo, na gagabay sa ‘yo, na mag-i-inspire sa ‘yo, na hihila sa ‘yo pabalik."

Sa ngayon, malaking bagay raw na bukod sa mainstream media ay may iba pang paraan upang maibahagi ng isang artista ang kanyang talento.

“We have the digital platform. We have our own means of creating films, di ba, nandiyan ang cell phone?

“So yung expression of our artistry, hindi lang siya limited on television.”


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN