Regine Velasquez won't be home on Father's Day

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez on leaving her family for work: "For me, it's harder for me to travel because I have a son. I have to leave my husband. E, medyo clingy... yung husband ko, ha, hindi yung anak ko. So, sa akin, kapag may family na naiiwan, mahirap sa akin, e."


Bahagyang nalungkot si Regine Velasquez nang malaman niyang sa darating na Linggo, June 17, na ang Father's Day.

“E, June 17 ba yung Father's Day? Wala ako dito!” reaksiyon ni Regine, sabay umarte ng parang umiiyak, nang sabihin ito ng entertainment reporters sa kanya sa press conference para sa 3 Stars and 1 Heart concert sa Dubai.

Ngayong Huwebes, June 14, ang schedule ng pagpunta ni Regine sa Dubai para sa concert na gaganapin sa Dubai World Trade Center sa June 16.

Makakasama niya rito sina Julie Anne San Jose at Christian Bautista.

Hindi agad makababalik ang kanilang grupo sa Pilipinas kaya hindi makakapiling ng Asia's Songbird ang kanyang pamilya para sa espesyal na okasyong ito.

Gayunman, may naisip agad na pambawi si Regine para sa kanyang mister na si Ogie Alcasid.

“Bibilhan ko na lang siya ng gift, 90 percent off daw, e. Brief. Bibilhan ko siya ng brief, puwede na yun!” natatawang sabi ni Regine.

Pabirong suggestion naman ni Christian, “Gintong brief.”

NEVER EASY. Idinadaan lang ni Regine sa biro ang mga ganitong pahayag tungkol sa pagliban niya sa ilang espesyal na okasyon dahil sa trabaho.

Pero sa isang banda ng interview, inamin niyang hindi madali ang pag-alis sa bansa para sa trabaho, lalo na kung hindi kasama ang kanyang pamilya.

“It's never easy. It's just that when you love what you do, it doesn't feel that it's hard. But it's never easy,” sabi ng singer/actress/TV host.

Diin pa ni Regine, “For me, it's harder for me to travel because I have a son.

“I have to leave my husband. E, medyo clingy... yung husband ko, ha, hindi yung anak ko.

“So, sa akin, kapag may family na naiiwan, mahirap sa akin, e.

“But like I said, since you enjoy naman what you do, you tend to forget that it's hard.

"But it's never easy naman talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN