Jeric Gonzales tells netizen not to force him to admit real score with Pauline Mendoza

IMAGE Pauline Mendoza Instagram

Kapuso actor Jeric Gonzales answers a netizen who tweeted him to admit real score between him and his Kambal, Karibal co-star Pauline Mendoza. Jeric said in his tweet, "Whatever it is na meron kami sana naman magkaroon ka ng respeto na maghintay na manggaling samen."


“Huwag pangunahan” ang mensahe ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales sa isa niyang Twitter follower na direkta siyang sinabihang huwag itago ang diumano’y kasintahan niyang si Pauline Mendoza, kundi pagmalaki nito ang young actress.

Parehong cast ng GMA-7 prime time series na Kambal, Karibal sina Jeric at Pauline, bagamat namatay na ang karakter ng ginagampanan dito ng young actor. 

Nagkatambal din sila sa mga drama anthology na Wagas ng GMA News TV at Magpakailanman ng GMA-7.

Dahil sa closeness ng dalawa, marami ang naniniwalang mayroon silang romantic relationship.

Ito ang nagbunsod sa Twitter user na si @pauricisreal upang i-tweet si Jeric kahapon, June 13, na aminin ang tunay na namamagitan sa kanila ni Pauline.

Ayon sa tweet, “Lalaki ka talaga @imJericoGonzales? Pagmalaki mo naman yung jowa mong si @iammendozapau. Hindi ung lagi sya na lang nagpopost nakatakip pa mukha mo.”

Sinagot naman ito ni Jeric.

Aniya, "Parekoy naghanap pa ako ng net just to reply to you.

"Alam mo parekoy I admire you and I love you for loving Pau and showing your concern pero Parekoy naman whatever it is na meron kami sana naman magkaroon ka ng respeto na maghintay na manggaling samen."

Sinundan ito ni Jeric ng ilan pang replies.

"Kase Parekoy alam mo kapag hindi ka pa sure sa isang bagay at wala ka pang ebidensya lalu na hindi pa nanggagaling sa amin sana wag mo kaming pangunahan dahil karapatan din namin magsalita kung kailan namin gusto o hindi. At isa pa parekoy hindi mo kailangan..."

Sa huli, iginiit na Jeric na sana ay igalang ng fans ang kanilang desisyong panatilihing pribado kung anuman ang namumuong magandang samahan nila ni Pauline.

Nagpasalamat din ito sa netizen.

Patuloy ni Jeric, "Gumamit ng mga hindi magagandang salita para lang sabihin ang saloobin mo dahil hindi natin kailangan magkasakitan dito. Respeto Parekoy respeto lang sana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero maraming salamat sa iyong concern pero sa ngayon masaya kami kung ano meron kaming lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN