Vina Morales on libel cases filed against her by ex-partner Cedric Lee: "Mayroon akong city mall tour."

IMAGE Noel Orsal

Despite victory in the kidnapping case she filed against her ex-partner Cedric Lee, Vina Morales is still in a battle with her daughter's father as several libel cases Cedric lodged against her are still ongoing. "We still have ongoing cases, marami nang na-dismiss—Nueva Ecija, Paranaque, Pasig, Mandaluyong. Ang ongoing ngayon is Caloocan, Quezon City, San Juan. Sabi ko nga, 'Mayroon akong city mall tour.' Pasalamat naman ako sa Diyos, it's always on our side."


Labis ang pasasalamat ni Vina Morales sa ibinabang hatol ng Mandaluyong City Regional Trial Court laban kay Cedric Lee, ang kanyang ex-boyfriend at ama ng kanyang anak.

Nahatulang "guilty beyond reasonable doubt" si Cedric sa kasong kidnapping na isinampa sa kanya ni Vina noong 2016.

Ang pinagbasehan ng desisyon ay ang pagde-detain diumano ni Cedric sa anak nilang si Ceana sa loob ng siyam na araw, na naging dahilan kung bakit nagkaroon umano ng "slight behavioral changes" ang bata.

Nakasaad sa desisyong nilagdaan ni Presiding Judge Anthony Fama na lumabas noong May 28:

“The action of the accused in not immediately returning the custody of minor Ceana was premeditated, intentional and malicious, as he adamantly refused to return the custody of minor Ceana to the private complainant, through her sister, when he is legally obligated to do so.”

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Vina sa set ng ASAP noong June 10, sinabi nitong "answered prayer" ang nangyari.

Saad ni Vina, “Ang pinakamalaking kaso na naging ongoing was yung sa Madaluyong, it was the kidnapping.

"Justice has been served and I’m just thankful it was an answered prayer.

"I’m very careful sa mga sasabihin ko ngayon, basta ang sa akin lang, dahil guilty, yun nga ang hatol ng ating hukuman, so I’m very thankful."

Dagdag pa ng singer-actress, "I’ll be forever grateful sa lahat ng mga nagdasal [para] sa amin.

"Nagpapasalamat ako personally sa aking lawyer na si Atty. Lucille Sering dahil siya talaga, she's been fighting for me and my daughter.” 

Ayon pa kay Vina, na-dismiss na ang ilan sa mga libel case na isinampa ni Cedric laban sa kanya, pero ang iba ay ongoing pa rin hanggang sa ngayon.

Aniya, “We still have ongoing cases, marami nang na-dismiss—Nueva Ecija, Parañaque, Pasig, Mandaluyong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang ongoing ngayon is Caloocan, Quezon City, San Juan.

"Sabi ko nga, 'Mayroon akong city mall tour.'

"Pasalamat naman ako sa Diyos, it’s always on our side."

BLESSED MOM. Nang kumustahin namin ang anak na si Ceana, proud na proud naman si Vina.

Sabi niya, "My daughter is doing very good.

"Magge-Grade 4 na siya kasi pasukan na uli, ang bilis ng panahon.

"She’s a very loving kid, wala akong problema sa kanya, very respectful and God-fearing.

"Every Sunday kasi, we always hear mass and we’re praying together.

"I’m very blessed to have her in my life."

LOVE LIFE. Ngayon na busy siya sa kanyang career, kumusta naman kaya ang buhay pag-ibig ng aktres?

Ayon kay Vina, "Medyo matagal na yatang nakapagpahinga, a year, a year and a half.

"Ang bilis ng panahon, ha, it feels like it’s just months ago."

Ang huling nakarelasyon ni Vina ay ang French businessman na si Marc Lambert.

Handa na raw muling makipag-date si Vina.

"I’m not in a serious relationship.

"I think, right now, I am ready to date, to start dating, but usually kasi, pag may kaibigan ako na ipinapakilala sa akin, usually in one group, we’re in a big group, so wala pa talaga yung one-on-one dating.

"Pag nangyari yun, di ko pa alam when would be the right time to have a relationship.

"But, you know, if there’s the right person, bakit hindi?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN