Angelica Panganiban fires back at basher putting malice on her Instagram post

IMAGE Instagram @iamangelicap

Angelica Panganiban's fiery response to basher: "Hanep nakakatawa kayo. Wala kayong idea sa ginagawa ninyo... Ngayon malinaw na sakin ang isasagot ko sa network. As in. Sorry ah? Sorry kung kailangan kong gawin yun. Pero, ikaw kasi eh. Tsk tsk tsk."


Inalmahan ni Angelica Panganiban ang pang-aaway sa kanya ng isang netizen na diumano’y fan ng isang baguhang love team sa panghapong programa ng ABS-CBN.

At press time, deleted na ang comments ng netizen sa Instagram wall ni Angelica.

Ngunit base sa pahayag ni Angelica, binigyang malisya ng netizen ang cryptic Instagram post niya tungkol sa pagkawala ng kanyang kalayaan kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Bukod sa alegasyong may pinapatamaan diumano si Angelica ay minaliit din ng netizen ang talento sa pag-arte ng aktres.

Buwelta ni Angelica, “@lianramos7 anong ginawa ko? Yung totoo? Please. Explain mo naman. Gusto kong malaman anong ginawa ko. Gusto kitang maintindihan eh.

“Magaling talaga kong artista. Yun alam ko yun.

“Yung posts ko, anong sinasabi mo? May alam ka? Kilala mo? Kailangan sure ka ha. Kasi pag mali ka, nakakahiya yun.”



May ilang tagasuporta si Angelica ang nagsabing pinupuntirya ng netizen ang Banana Split actress dahil sa pagkampi nito sa isang “starlet” na “bida” sa isang panghapong teleserye ng ABS-CBN.

Hindi rin daw malinaw kung bakit pinapalabas ng fans ng sinasabing baguhang aktres na may rivalry sa pagitan nito at ni Angelica.



Kung anu’t ano man, nagpahiwatig si Angelica na ipaaabot niya sa ABS-CBN management ang isyu, dahil na rin umano sa walang kawawaang pambabatikos sa kanya ng bashers.

Pahayag ni Angelica: "@lianramos7 ang boring ng reply. Walang challenge. O siya na! Ingat ka te! Pero nako ha... feeling ko kasi mamimiss niyo ko kapag nanahimik ako eh.

"Sure ka dyan ha? Sige. Nakakahiya pala asta ko. Sige, mag iisip din ako ng bagong hobby.

"hanep nakakatawa kayo. Wala kayong idea sa ginagawa ninyo. Na excite tuloy ako sa mga gagawin ko

"may mga bagay talaga na nangyayari para mas lalo akong makapag desisyon.

"Ngayon malinaw na sakin ang isasagot ko sa network. As in. Sorry ah? Sorry kung kailangan kong gawin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, ikaw kasi eh. Tsk tsk tsk."



ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN