James Reid does not mind Nadine Lustre posting sexy photos

IMAGE Noel Orsal

Isang karangalan daw kay James Reid na gumanap bilang Pedro Penduko sa pelikula dahil isa raw ito sa mga paboritong Pinoy superhero ng mga manonood. 


May jet lag pa raw si James Reid dahil kararating lang niya mula sa bakasyon nila ng girlfriend na si Nadine Lustre sa California.

Dumiretso kaagad siya sa launching ng bago niyang pelikulang Pedro Penduko.

Pero ayon kay James, sobra silang nag-enjoy ni Nadine sa kanilang bakasyon sa disyertong lugar sa Joshua Tree, California.

We made it!

A post shared by Nadine Lustre (@nadine) on

Sa isang Instagram post ni Nadine, makikitang sobrang sexy ang bikini-bottom shot nito mula sa kanilang bakasyon.

Just wanna go home and get some sleep.

A post shared by Nadine Lustre (@nadine) on

Hindi ba siya nagseselos o pinagbawalan ba niya ang nobya na mag-post ng sexy photos?

Sagot ni James, “No, not at all. She’s comfortable with her own body, e.”

Natatawang “No!” naman ang kanyang sagot sa tanong kung nag-propose na ba siya sa girlfriend habang nasa bakasyon sila.

Hanggang ngayon ay may mga agam-agam pa rin tungkol sa isyung nagli-live in na diumano sila ni Nadine. Ano ang masasabi niya rito?

Tugon ni James, “I think…”

Sabat ng kanyang handler, “Patay na rin yung issue.”

Pagsang-ayon ni James, “Yeah, I think everybody knows.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si James sa launching ng modern-day Pedro Penduko movie ngayong Huwebes, June 14.

Ginanap ang launching sa Cignal Headquarters sa Mandaluyong City.

Dumalo rin dito ang pamunuan ng Viva Entertainment at Epik Studios na partner-producers ng Cignal sa paggawa ng pelikula.


PEDRO PENDUKO. Nasa pre-production stage pa ang Pedro Penduko.

Pero abala na si James sa kanyang training dahil maaksiyon daw ang mga eksena sa modern-day Pinoy superhero movie.

Sabi pa ni James, “It’s really a huge honor to be playing Pedro Penduko, which is a Filipino superhero...

“It’s just not a superhero movie, it has social relevance.”

Masaya rin daw ang girlfriend niyang si Nadine dahil lalabas ito sa pelikula bilang si Maria Makiling, na gagawin ding full-length movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay James, “Yes. She always wanted to be in an action role and I think it’s perfect for her.

“Nadine is sexy so she’d be able to show it off in Maria Makiling.”

Masasabing “cameo” role lamang ang gagampanan ni Nadine sa pelikula ni James. Ano ang masasabi ng Kapamilya actor sa usap-usapang magkakaroon siya ng bagong ka-love team sa Pedro Penduko?

Pagtanggi ni James, “I don’t think there’s a new love team.

"Just relax, we'll be giving you what you want, we'll be giving you what you need.”

Nakatakdang ipalabas ang pelikula sa April 2019.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN