Diego Loyzaga faces malicious mischief complaint; actor's camp denies allegations of Grab driver

IMAGE Noel Orsal

Nahaharap sa reklamong malicious mischief si Diego Loyzaga bunsod ng paninipa diumano niya sa bumper ng sasakyan ng Grab driver na si John Ronnel Paglalunan.


Nahaharap sa reklamong malicious mischief o paninira ng gamit o kagamitan ang aktor na si Diego Loyzaga, 23.

Ito ay dahil sa paninipa diumano ni Diego sa sasakyan ng isang Grab driver bandang alas-tres ng madaling-araw ngayong Biyernes, June 15.

Nangyari ang insidente sa labas ng isang condominium building sa Malate, Manila, kung saan nadaanan daw ng Grab driver na si John Ronnel Paglalunan ang convoy ni Diego sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng DZMM, nag-beating the red light pa diumano ang grupo ng aktor.

Lumabas daw ng kanyang sasakyan ang Kapamilya actor at pinagsisipa ang sasakyan ni Paglalunan.

Kinatok daw ni Diego sa driver’s seat si Paglalunan, habang pilit diumanong tinatakpan ng mga bodyguard ni Diego ang kanyang mukha.

Sumenyas daw ng peace sign si Diego habang inaawat ng kanyang mga kasamahan.

Natakot daw ang sakay na pasahero ni Paglalunan noong mga oras na yun.

Bunsod ng paninipa ni Diego, nasira raw ang bumper ng sasakyang minamaneho ni Paglalunan kaya apektado ang kanyang hanapbuhay.


DIEGO WITH BODYGUARDS? Sa Facebook post naman ng kasamahang Grab driver ni Paglalunan na si Kian Garcia, ibinahagi niya ang nangyari.

Aniya, (published as is), “3am sa manila residences tower 2 . Eto pong artista na si DIEGO LOYZAGA. Ay bigla na lng po tinadyakan at pinagtripan ang kotse ang side mirror ng ating kasamahan na si JRonnel Billedo Paglalunan binato pa daw po ng bato ng wala pong dahilan.

“Kitang kita po sa video na pinagttakpan pa ng mga bodyguard ang pag video ng aking kaibigan.

“Kasalukuyan po na nasa police station sila ngayon at nakikipag usap pero wala na po at nka alis na ang suspect. 

“Di man kta fully ung mukha nya dahil pilit nattakpan pero positive po na sya ang gumawa ayon din sa mga naka kita , sa biktima at sa mga tumulong sa ating ka grab. Di po ito post para mang bintang manira o magpasikat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinamahan niya ito ng tatlong video kung saan makikita rito ang aktor.

CCTV FOOTAGE. Ayon naman sa may-ari ng sasakyang minamaneho ni Paglalunan na si Elaine Tiamzon, sinisikap pa nilang makakuha ng CCTV footage sa condominium para magamit ng pulisya sa imbestigasyon.

Ipinost din ni Tiamzon sa Facebook ang request ng Malate Police Station 9 sa condominium building management na humihingi ng kopya ng CCTV footage.

Ipinost din niya na ang suot na T-shirt ni Diego sa video ay kahalintulad sa suot ng aktor sa kanyang Instagram stories.

DIEGO’S MOTHER'S DENIAL. Ayon naman sa ina ni Diego na si Teresa Loyzaga, mali raw ang Grab driver sa kanyang mga paratang.

Sa pahayag na ipinadala nito sa DZMM, sinabi ni Teresa na maaari raw ikamatay ng kanyang anak ang ginawang mali ng Grab driver.

Aniya, “Ang bilis niya masydong mag-accuse. Huwag niya gagawan ng istorya yung anak ko.

“Ang totoong istorya is mali siya.

“Muntik siyang maka-cause ng aksidente at kung nangyari yun, maaari niyang napatay ang anak ko.”



ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN