Bela Padilla cries foul over allegation that she's a bad influence on Maris Racal

IMAGE Instagram @mariesteller

Bela Padilla's message to netizen calling her "liberated" and a bad influence on Maris Racal: "If liberated means: happily living life in a clean, modest way when im not at work, then by all means...call me liberated :)"


Inalmahan ni Bela Padilla, 27, ang pagkakadawit niya sa isyung tila bad influence siya sa young actress na si Maris Racal, 20.

Nag-ugat ito sa alegasyon ng isang netizen na nagbago raw ang pag-uugali ni Maris simula noong naging kaibigan nito si Bela na isa umanong “liberated” na babae.

Pinuna rin ng ilang netizens ang "revealing" gown ni Maris sa isang event kamakailan.

Sa Twitter posts ni Bela kahapon, June 15, iginiit niyang madalang silang magkita ni Mariz.

"I take one night off every three months and on those nights off, Ive only seen Maris once.

"FYI...she asks me what I'm doing, not the other way around.

"And the last time we were together was to work out."

Tungkol naman sa pagiging “liberated” ni Bela, gusto ng aktres na linawin ng netizen ang pakahulugan nito.

Ang tweet ng Kapamilya star, "If liberated means: happily living life in a clean, modest way when i'm not at work then by all means...call me liberated :)"





"CALL ME LIBERATED." Aminado si Bela na noong mas bata siya ay negatibo rin ang dating sa kanya ng salitang "liberated."

Pero ngayong mature at independent na siya, napagtanto ng dalaga na walang masama sa pagiging malaya sa "social conventions and traditional ideas."

HARD WORKER. Ipinagmalaki rin ni Bela na todo siya kung kumayod sa trabaho at ginugugol niya ang bakanteng oras niya sa mga masaya at makabuluhang bagay.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN