Bea Binene clarifies her mystery guy is not Alden Richards

IMAGE @beabinene and @aldenrichards02 on Instagram

Provoked once more to deny romantic involvement with Alden Richards, Kapuso actress Bea Binene says her special someone is non-showbiz. 


Iginiit ni Bea Binene na hindi si Alden Richards ang lalaki sa likod ng bouquet of flowers sa kanyang Instagram post noong June 9.

Bukod sa braso, hindi kita ang mukha ng lalaking may hawak ng bouquet of flowers

Base sa caption ni Bea, espesyal ang lalaking nagbigay sa kanya ng mga bulaklak.

Caption niya: “And in this crazy life, and through these crazy times, It's you, it's you, you make me sing. You're every line, you're every word, you're everything.”


Nagsagutan naman ang netizens sa comments section dahil naghinala ang iba na ang lalaki sa larawan ay si Alden.



Ipinagtanggol naman ng iba si Bea at sinabing hindi si Alden ang nasa larawan.



Hindi ito ang unang beses na ini-link si Alden kay Bea.

Dati nang itinanggi ni Bea na may espesyal na namamagitan sa kanila ni Alden at sinabing magkaibigan lamang sila.


Stories We Are Tracking

Bea Binene denies alleged secret romance with Alden Richards
Bea Binene denies alleged secret romance with Alden Richards

NON-SHOWBIZ. Nagkomento rin sa post ni Bea ang aktres na si Sherilyn Reyes-Tan.

Tinanong niya kung bakit iginigiit ng iba na si Alden ang lalaking may hawak ng bouquet, dahil ang pagkakaalam niya ay non-showbiz ang special someone ni Bea.

Sumagot si Bea kay Sherilyn at sinabing hindi rin niya alam kung bakit inaakala ng iba na si Alden ang kanyang mystery guy.

Kinumpirma rin ni Bea na non-showbiz ang lalaking nasa likod ng mga bulaklak.


May netizen namang nairita sa comment ni Sherilyn.

Sagot ng aktres, kaya siya nagtatanong ay dahil wala siyang alam sa isyu.



 

Sina Bea at Sherilyn ay nagkasama sa Kapuso teleseryeng Mulawin vs. Ravena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN