China Cojuangco reports netizen for cyberthreat against her 4-year-old daughter

IMAGE @china_cojuangco on Instagram

China Cojuangco writes an open letter to Instagram to report a netizen's alarming message about her four-year-old daughter.


Inireklamo ni China Cojuangco sa pamunuan ng Instagram ang isang netizen dahil sa mensahe nitong diumano’y may halong “threat, cyberbullying even to the extent of kidnapping,” sa kanyang apat-na-taong gulang na anak.

Ipinost ni China ang kanyang open letter laban sa netizen nitong Linggo, June 17.

Kalakip ng kanyang post ang screenshots ng pakikipagpalitan niya ng message sa nasabing netizen. 

Nagsimula ito nang mag-post si China ng larawan ng anak sa kanyang Instagram Story.

Sa comments section ay isang netizen ang nag-iwan ng nakakabahalang mensahe:

“Cute sarap isilid sa sako tapos tapon ilog makaganti naman sa cojuangco just kidding love you I love your baby so adorable.”

Sunod pa nitong mensahe: “I love your dad because he is my favourite cojuangco.”

Si China ay isa sa limang anak ni Jose "Peping" Cojuangco Jr., dating congressman at naging presidente ng Philippine Olympic Committee, sa socialite at dati ring congresswoman na si Tingting Cojuangco.

Si Peping ay nakababatang kapatid ni yumaong Pangulong Corazon "Cory" Aquino, ina ni Kris Aquino.

UPSET CHINA. Sa kanyang sagot sa netizen ay sinabi ni China na nabahala siya sa mensahe nito.

Aniya, “Sorry ha, pero offensive yung message mo kahit sinubukan mong bawiin. Kung gusto mo makaganti sa COJUANGCO huwag mong idamay ang anak ko.”

Sa kanya namang open letter, ikinuwento ng TV host na maging ang kanyang mga kaibigan at tagasuporta ay hindi nagustuhan ang mensahe ng netizen.

“Many of my friends and followers have been furious sending me PM’s of their concerns and have tried to report this account but to no avail, have been rejected. (3rd photo is an example of your reply).

“I unfortunately cannot report nor do such actions because she immediately blocked me after my reply...

“If in your case, you do not see such abusive content - as i can translate to english: CUTE I WOULD LOVE TO PUT HER IN A SACK AND THROW HER IN THE RIVER... pertaining to my 4 year old daughter.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani China, nababahala siya dahil idinadamay ng netizen ang kanyang inosenteng anak.

“I would personally take this as a threat, cyber bullying even to the extent of kidnapping.

“It would be of great help and appreiation if you look into this case. I do not wish for anyone saying that i am over reacting - but if this involves my innocent daughter - then i will take action.

“Praying and hoping that you would too...”  




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN