Jolo Revilla posts cryptic tweet amid rumored breakup with Jodi Sta. Maria

IMAGE @jolo_revilla on Instagram

Jolo Revilla and Jodi Sta. Maria have yet to issue an official statement about reports saying that they've ended their relationship.


Isang makahulugang tweet ang ipinost ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa gitna ng usap-usapang break na umano sila ng aktres na si Jodi Sta. Maria.

Mensahe ng actor-politician nitong Lunes ng gabi, June 18: “When something is really meant for you, you don’t have to force it, rush it, or manipulate it.”

Nagsimula ang usap-usapang hiwalay na umano sina Jolo at Jodi nitong weekend nang mag-post ng birthday message ang bise gobernador para sa aktres via Instagram.

Kumpara sa kanyang mga dating post, walang “I love you” at term of endearment ang caption ni Jolo, na kung tawagin si Jodi ay “my love” at “asawa.”


Stories We Are Tracking

Are Jolo Revilla and Jodi Sta. Maria still together?
Are Jolo Revilla and Jodi Sta. Maria still together?

Kahapon ay na-post din ang videos at photos para sa birthday celebration ni Jodi, pero kapansin-pansing wala sa mga ito si Jolo.

Hindi rin dumalo si Jodi sa graduation ni Jolo noong nakaraang linggo.

Nagtapos ang actor-politician ng kursong Bachelor of Arts Major in Legal Studies sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program ng Lyceum of the Philippines.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag sina Jolo at Jodi sa isyung hiwalay na sila pagkatapos ng walong taong relasyon.

Naisulat naman sa PEP Troika na matagal-tagal na umanong break sina Jolo at Jodi. 


Hiwalayang Jodi Sta. Maria-Jolo Revilla, nakakalungkot
by PEP Troika posted on June 17, 2018 5:48 pm

NOEL FERRER: Nagduda na tayo noong graduation ni Jolo Revilla nang walang Jodi Sta. Maria.

'Tapos, nasulat din ang tungkol sa birthday message ni Jolo kay Jodi na walang “I love you.”

“I wish you all the happiness in this world that you deserve. Thank you for bringing out the best in me. Thanks for the wonderful 8 years! Happy birthday Jods! God Bless always.”

Yan ang birthday message ni Jolo kay Jodi na wala man lang daw term of endearment at yung lagi nilang tawagang “my love.”

Kumusta ba talaga sila? Does this mean 'thank you for the eight years and counting,' o 'thank you and goodbye' na talaga sila?


JERRY OLEA: Nakakalungkot.

Akala ko, dahil nalampasan nila ang seven-year itch bilang magkasintahan ay forever na ang kanilang pagmamahalan.

Pero ayan nga... some good things never last.

Matagal-tagal na pala silang hiwalay, ayaw lang pag-usapan ito ni Jolo.

Ibinuhos ni Cavite Vice Governor ang kanyang panahon sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano, shooting ng 72 Hours (episode niya sa trilogy movie na Tres), at pag-aaral.

Tinuturuan ba ni Jolo ang kanyang puso na iwaksi ang pag-ibig kay Jodi?

GORGY RULA: Malapit ako kay Jolo, pero pagdating sa kanila ni Jodi, tipid ang mga sagot niya sa akin.

Minsan may naikukuwento naman siya, pero pinapakiusapang huwag ko nang isulat.

Pero ang pagkakaalam ko nga, matagal na silang break at nakikita ko naman kay Jolo na nahihirapan siyang mag-move on.

Ang maganda lang sa kanya, positibo at hindi nakaka-nega ang buwelta niya sa naturang breakup.

Bukod sa araw-araw na trabaho niya bilang Vice Governor ng Cavite, nakakapag-tape siya sa Ang Probinsyano, at natatapos niya ang shooting ng pelikula niyang Tres ng Imus Productions.

Naka-graduate na siya, at siguro isa na rin ito sa mga dahilan kaya gusto niyang mag-Amerika muna sa September para makapag-aral sa Harvard University.

Ang isa pang kinahihiligan niya pala ngayon ay ang gumawa ng mga kanta.

Napakinggan ko nga ang ilang kanta niya at talagang punung-puno ng hugot.

Nakalimutan ko na kung ilang kanta na ang nagawa niya, pero marami na nga raw siyang nagawa.

Pinalalapatan lang daw niya ng music sa mga kaibigang composer gaya ni Joven Tan.

Nakapag-record na nga siya ng ilang kanta at meron na rin siyang nagawa para gagamiting theme song ng pelikula nila.

Samantala, mukhang masaya naman si Jodi na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon, June 16.

Nag-celebrate siya kasama ang mga kabataang may sakit sa National Children’s Hospital, at nanood siya ng concert ng Christian group na Hillsong sa Smart Araneta Coliseum.


 

NO TIME? Nitong weekend ay nag-post sa Instagram ang veteran entertainment columnist na si Lolit Solis tungkol kina Jodi at Jolo.

Si Lolit ay talent manager ni dating Senator Bong Revilla, ama ni Jolo, at malapit sa Revilla family.

Binanggit ng kolumnista na wala siyang nakikitang problema sa dalawa.

“Siguro kung magkakarun man dahil lang sa oras dahil pareho sila busy,” bahagi ng caption ni Lolit.

Sa kasalukuyan, abala si Jodi sa kanyang Kapamilya daytime TV series na Sana Dalawa Ang Puso.

Habang si Jolo ay kabilang sa ABS-CBN prime time series na FPJ’s Ang Probinsyano at nagsu-shooting din ng isang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dulo ng kanyang post, sundot ni Lolit, “So be strong, face the odds together, kaya nyo iyan mga maliliit na bagyo, kayang-kaya.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN