Angelica Panganiban, Carlo Aquino post sweet photos to celebrate their "anniversary"

IMAGE Courtesy: @jose_liwanag on Instagram

Maraming tagahanga at kaibigan nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino ang umaasang magkabalikan ang dalawa ngayong tila nagkakamabutihan ulit sila sa set ng kanilang ginagawang pelikula. 


Mas lalong lumakas ang bulung-bulungang nanumbalik ang magandang pagtitinginan sa pagitan ng dating magkasintahang Angelica Panganiban, 31, at Carlo Aquino, 32.

Ito ay dahil sa magkasunod na posts nila sa Instagram, kung saan pinakilig nang husto ng dalawa ang kanilang fans dahil sa mensahe nila para sa isa’t isa.

Sa post ni Angelica kagabi, June 18, tinanong niya ang aktor kung paano ba nila dapat i-celebrate ang kanilang anniversary.

Sabi ng Kapamilya actress, “Anniversary pala natin dapat kahapon. Celebrate na lang natin sa tinginan?”

Marahil ang tinutukoy ni Angelica ay ang dati nilang anniversary ni Carlo noong may relasyon pa sila.

Ngayong araw, June 19, si Carlo naman ang nag-post sa Instagram ng larawan nila ni Angelica.

Kuha ito sa pelikulang ginagawa nila under Direk Dan Vilegas.

Sabi naman ni Carlo sa kanyang caption, “I'm just glad that you are a part of my heart.”

Im just glad that you are a part of my heart

A post shared by Jose_Liwanag (@jose_liwanag) on

Mensahe ng kilig at excitement ang karamihan ng mga komento ng kanilang followers at mga kaibigan nilang artista.

Anim na taon ang naging relasyon nina Angerlica at Carlo mula 2000 hanggang 2006.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN