Kris Aquino warns Joshua Garcia: "Bimb is so in love with Julia."

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino reveals her 11-year-old son Bimby is very much attracted to Julia Barretto. She tells Joshua Garcia: "I'm sorry, Josh, he's just waiting na may gawin kang mali. He's waiting in the wings and you know that."


Pabirong binantaan ni Kris Aquino si Joshua Garcia na huwag magkakamaling pabayaan si Julia Barretto dahil nakaabang ang kanyang bunsong anak na si Bimby.

“Bimb is so in love with Julia,” sabi ni Kris kay Joshua sa press conference ng pelikula nilang I Love You, Hater noong  June 18 ng gabi, Lunes.

“I'm sorry, Josh, he's just waiting na may gawin kang mali.

“He's waiting in the wings and you know that.

“And sinabi niya talaga sa akin na, 'Mama, in seven years, when I'm 18, Ate Julia will still just be in her 20s, puwede, we can be together.'

“So, Joshua, there's someone waiting in the wings.”

Pagkatapos nito ay ikinuwento ni Kris ang pagkakataong hinalikan ng kanyang 11-year-old son ang 21-year-old Kapamilya actress sa shooting ng kanilang pelikula.

“Ito sasabihin ko, ha, ganun kaganda si Julia kasi... He [Bimby] kissed you 40 times, right?

“Noong nagsu-shooting kami, umalis ka na kasi, e. Umalis na si Joshua para mag-rehearse.

“So, itong si Bimb, kunwari hinahalikan ako sa moment namin ni Julia, na three pages sa script.

“Kunwari kinu-comfort ako. Aba, every one kiss sa akin, sa lips yung kay Julia. Kaloka!

“Iba ang kamandag na mayroon si Julia Barretto!”

Patuloy pang pagpuri ni Kris kay Julia, “She is just so raw and so real.

"I just have to say that, I say this without meaning to offend anybody, my son identifies so much with her.

“So kapag may ganun ka, that already means you have a gift, di ba?

“If someone can see himself in you in your life experiences, that means na napakagaling mong artista.”

JOSHUA IS THE REAL DEAL. Katulad ni Julia, puro papuri rin ang nasabi ni Kris tungkol kay Joshua.

Aniya, “Si Josh, sabihin ko talaga, ito talaga, I got into this movie not knowing him.

“But the more I got to know him, naintindihan ko na kung bakit siya love ni Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, kasi number one, sorry, kasi he captured my heart dahil nandiyan ako for my kids.

“Alam ko what it's like na wala kang nanay kasi nga lahat ibinibigay ko sa mga anak ko.

“Kaya alam ko kung gaano siya ka-genuine at gaano siya kalalim.

“Second, hindi siya ever nakalimot ng lines or kung mayroon man siyang na-miss, siya mismo ang magsasabi, 'Direk, sandali, sorry.'

“Ganun siya ka-focused.”

Sa palagay ni Kris, magtatagal sa industriya si Joshua.

Katuwiran niya, “He is amazing because, one, alam natin that he needs the work.

“But two, more than that, the work needs him.

“Kasi talagang he is the real deal.

"Sinabi ko talaga, ang tagal ko na, di ba, ang dami ko nang nakita, ang dami ko nang nakatrabaho.

“Pero si Joshua Garcia, he will be here 15 years from now, 20 years from now.

“Really, he will become one of the greatest actors that Philippines will ever have.”

JOSHLIA THANKS KRIS. Lubos naman ang pasasalamat nina Joshua at Julia, na mas kilala ng fans bilang JoshLia love team, sa mga magagandang salitang sinabi ni Kris tungkol sa kanila.

Ani Julia, “It's nice to see somebody who can see right through you and truly understands without having to say a word.

“It's nice to be understood and be appreciated because I know what it's like to be taken for granted.

“It's so nice to hear that coming from, of course, Ms. Kris.”

Sabi naman ni Joshua, “Ako po, masaya, kasi yung isa pong matagal na sa industriya ang naka-appreciate ng ginagawa ko.

“As an actor, masaya rin po kasi sa pakiramdam yung may nag-a-appreciate ng ginagawa mo, kasi mas ginaganahan kang umarte pa, mas nagugutom ka na matuto.

“Kaya thank you po, thank you po, Tita.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN