Sharon Cuneta says daughter KC is "exactly like her Pa" Gabby Concepcion

IMAGE @itskcconcepcion and @reallysharoncuneta on Instagram

KC Concepcion responds to mom Sharon Cuneta's comment that KC is exactly like her dad, Gabby Concepcion, inside and out.


Sa paningin ni Sharon Cuneta, parehong-pareho ang anak niyang si KC Concepcion sa ama nitong si Gabby Concepcion.

Base ito sa komento ng Megastar sa Instagram post ni KC para kay Gabby noong Father's Day, June 17, Linggo.

Mayroon ding hiwalay na Instagram post si KC para sa kanyang stepfather na si Senator Kiko Pangilinan.


Stories We Are Tracking

KC Concepcion writes touching messages to her two dads
KC Concepcion writes touching messages to her two dads

Sa post ni KC para kay Gabby, nag-iwan ng komento si Sharon.

Aniya, “Lucky boy. KC exactly like her Pa! Inside ‘n’ out! [smiley]”

Sumagot naman ang anak nina Sharon at Gabby.

Ani KC, “I hope it’s a good thing, in your eyes. [heart emoji]”  


Naging positibo naman ang mga komento ng netizens sa palitan ng mensahe ng mag-ina.



EMOJI IN QUESTION. Muling nag-react si Sharon sa pamamagitan ng emoji ng nakatakip ang bibig ng medical mask.


Ayon sa iemoji.com, ang face emoji na may medical mask ay nangangahulugang: “This emoji is sick and contagious a very courteous emoji by not spreading disease. That, or this emoji is taking a safety precaution so as to avoid getting sick by others.”

Pero may ilang netizens na negatibo ang tingin sa ginawang emoji comment ng Megastar.

Tanong ng isang netizen, ano ang problema ni Sharon?

Sabi naman ng isa pang netizen na tagasubaybay ni Sharon, alam niyang “pissed” ang kanyang idolo.


Pero sunud-sunod din ang pagtatanggol ng ibang supporters ni Sharon dahil sa pagbibigay malisya ng ilang netizens sa emoji reaction ng actress/singer/host.

Wala raw matibay na batayan na “nega” ang comment ng Megastar at sila lang ang naglalagay ng malisya rito.



Samantala, may isang netizen ang nagkomentong masuwerte raw ang mga magulang ni KC na sina Sharon at Gabby dahil understanding ito sa sitwasyon nila.

Nagpasalamat naman si KC sa netizen at sinabing malaking bagay sa kanya ang komentong iyon.


Nitong Mayo ay sunud-sunod ang pagsagot ni Sharon sa mga netizens dahil pinaratangan siyang “masamang ina” matapos mag-post ng tungkol sa isang taong minsang naging bahagi ng kanyang buhay at may galit daw sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinukoy naman ng mga netizen, base na rin sa mga clue na ibinigay ni Sharon, na ang pinatatamaan niya ay si Gabby.


Stories We Are Tracking

Sharon fires back at bashers and a person she did not name
Sharon fires back at bashers and a person she did not name


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN