Garie Concepcion answers basher who called her and mom Grace Ibuna "mukhang tsimiaa"

IMAGE @garie_concepcion on Instagram

Garie Concepcion responds to a basher who said that she and her mom Grace Ibuna look like "tsimiaa." She said, "If you have nothing nice to say about my mother please learn how to keep quiet. You don't know her."


Sinagot ni Garie Concepcion ang isang netizen na nagkomentong siya at ang kanyang inang si Grace Ibuna ay mukhang “tsimiaa” o kasambahay.

Si Garie ay anak ni Grace, isang businesswoman, sa aktor na si Gabby Concepcion.

Mababasa ang comment ni Garie sa Father's Day message ng half-sister niyang si KC Concepcion sa kanilang ama.

Si KC ay anak ni Gabby sa dati nitong asawa na si Sharon Cuneta.

Sagot ni Gabby sa pagbati ni KC: “I love you no matter what.”


Stories We Are Tracking

KC Concepcion writes touching messages to her two dads
KC Concepcion writes touching messages to her two dads

Sa comments section ay nagsagutan ang dalawang netizens.

Hindi nagustuhan ng isang netizen (@wanderer_924) ang pag-tag ng isa pang netizen kay Garie.



Sa kanilang sagutan, dalawang beses binanggit ni @wanderer_924 na mukhang “tsimiaa”—gay lingo ng katulong—si Garie at ang ina nito.



Sumagot si Garie at nakiusap na huwag idamay ang kanyang ina.

Sabi ng singer-actress, “If you have nothing nice to say about my mother please learn how to keep quiet. You don’t know her. Salamat po. God bless you.”


Pinasok na rin ni Garie ang showbiz bilang isang recording artist at napasali rin sa ABS-CBN prime time teleseryeng La Luna Sangre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN