Bianca Gonzalez fires back at basher who called Mariel Rodriguez "laos"

IMAGE Instagram @iamsuperbianca

Hindi pinalampas ni Bianca Gonzalez ang pambabatikos ng isang basher sa pagbabalik-trabaho ni Mariel Rodriguez sa It's Showtime: "GUUUUURL ang dami ko nang nagawang work, errands, at quality time sa family, nandito ka pa rin after 13 hours! I am sure madaming mas importanteng pagtuunan ng atensyon, energy, at focus mo."


Inalmahan ni Bianca Gonzalez, 35, ang pang-uuyam ng isang basher sa pagbabalik-trabaho ni Mariel Rodriguez, 33, sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Dalawang taong hindi napanood si Mariel sa programa dahil sa maselan niyang pagbubuntis noon.

Sa pagbabalik ni Mariel bilang co-host ng It’s Showtime kahapon, June 19, ibinahagi ni Bianca sa Instagram ang kuha nilang magkaibigan nang magkita sila sa ABS-CBN studio.

Masayang pagbati ni Bianca kay Mariel, “I am so happy to be here LIVE for your first day back at work!! So proud of you, @marieltpadilla!! Love you!!"

Kinontra ito ng detractor ni Mariel na nagsabing, “ngek, sa palagay mo sya ang magpapataas ng ratings ng its showtime marami ngang tao na di sya gusto e just saying.”

Sumagot ang isa pang netizen na walang masama sa pag-welcome sa actress-TV host.

Kaugnay ito ng It's Showtime segment kahapon kung saan pormal na winelcome si Mariel ng co-hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, at Amy Perez.

Naroon din si Bianca upang personal na salubungin si Mariel.

Depensa ng netizen kay Mariel, “wala naman sinasabi ang madlang pipol na si mariel ang magpapataas ng rating ng showtime.

"winewelcome lang si mariel. ang hard mo naman ateng.

"Bat ikaw ba sa tingin mo lahat ng tao sa paligid mo gusto ka.”

Sinang-ayunan ni Bianca ang netizen na nagtanggol kay Mariel, “Ganda ng sagot. #realtalk [burn and clapping emojis]"


Makailang-beses pa ulit sumagot ang basher at tinawag pang “laos and nakakaumay” si Mariel.


Hindi ito pinalampas ni Bianca.

Buwelta ng Cinema News host, "GUUUUURL ang dami ko nang nagawang work, errands, at quality time sa family, nandito ka pa rin after 13 hours! I am sure madaming mas importanteng pagtuunan ng atensyon, energy, at focus mo.

"Use all that passion to be more productive with things you want to do in your life! Kaya mo yan girl!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Noong June 15, 2016, nagpaalam si Mariel na siya ay kumuha ng leave of absence mula sa It's Showtime dahil sa kanyang pagbubuntis noon.

Ito ay matapos niyang isugod ang sarili sa ospital nang makaramdam siya ng "abdominal pain."

Bagamat tiniyak ng doktor na maayos ang kanyang kundisyon, nagpasya si Mariel na pansamantalang tumigil sa pagtatrabaho upang mapangalagaan ang kanyang sarili.

November 14, 2016 nang isilang ni Mariel ang unang anak nila ni Robin Padilla na si Baby Maria Isabella.


Stories We Are Tracking

Mariel Rodriguez rushes herself to the hospital
Mariel Rodriguez rushes herself to the hospital
Mariel Rodriguez returns to <em>It's Showtime</em> after two years
Mariel Rodriguez returns to It's Showtime after two years


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN